HELLO WORLD
Ang kwentong ito ay kwento ng buhay ko. Medyo maikli lang ang kwentong ito, wala naman kasi ako masyadong maiikwento e. Ganun pa man, gusto kong malaman nyo ang adventure ng buhay ko. Noong pinanganak ako masayang masaya ang mga magulang ko, nandun si tatay at si nanay. Tapos, nandun din ang dalawa kong lolo at lola, mga tiya at tiyo, lahat sila masaya. Noong unang birthday ko kumpleto din ang pamilya, pati mga kaibigan nila nanay at tatay nandun din. Masayang masaya daw noon si Inay nang una kong bigkasin ang salitang nanay. Tuwang tuwa naman si tatay noong nakita nya ang una kong mga hakbang. Marami din akong naging kaibigan, masaya kaming naglalaro na tila walang kapaguran. Noong pasukan naman kabado ako, buti nalang nandun si nanay nakamasid sa labas, pero noong tumagal na pinapabayaan na nya ako mag-isa, malakas yata to hehehe. Hinahatid din ako minsan ni tatay pagpasok at sinusundo din sa labasan. Gustong gusto ko kapag kinakarga nya ako sa kanyang balikat. Kahit na minsan e may kaguluhan sa bahay na lalampasan naman namin yun, hindi naman siguro naiiwasan na magkaaway kahit na pamilya kayo. Mahal na mahal ko ang aking pamilya, lalo na si nanay at tatay. Ngunit...
Ngunit hindi yun ang buhay ko. Lahat ng iyon ay pangarap lang, pangarap na hindi na matutupad. Ang nabasa nyo tungkol sa buhay ko ay pawang kasinungalingan lang, napakalayo sa katotohanan. Dahil ang totoo hindi ako binigyan ng pagkakataon na maransan kahit na gatiting na karansan tulad ng isang normal na bata. Ang totoong nangyare saken ay ito...
Si nanay at tatay ay nagmadali sa buhay, nagpadala sa tukso. Magkasintahan sila noon. Nabuntis ni tatay si nanay noong 18 taong gulang pa lang sila at pareho pang nag-aaral. Dahil nasa mura pa lang na edad ay hindi nila alam ang gagawin. At dumating na nga ang araw na napansin na nila lolo at lola ang pagbabago kay nanay, hindi na rin kaya ni nanay na itago pa ang lihim na ito, kaya inamin na rin niya sa kanila na nabuntis siya ni tatay. Si tatay naman ay medyo may kaya ang pamilya pero hindi pa nila kaya na magkaroon pa ng isang aalagaan, kaya nagtago nalang sa probinsya si tatay at hindi na niya pinanagutan si nanay. Hindi na alam nila nanay, lolo at lola ang gagawin, hindi na rin nila kaya ang kahihiyang maiidulot ng nangyare sa kanilang anak, kaya inilihim nalang nila ang nangyare. Hanggang sa dumating na nga ang araw. May nakilala si lolo na kumadrona at lihim na nagsasagawa ng aborsyon. Napagdisesyunan nila na tuluyan nang kalimutan ang nangyare sa aking nanay at tatay, at tuluyan nang tanggalin ang nagpapaalala nito sa kanila, ako. Dahil sa galit narin ni nanay kay tatay ay hindi na rin ito tumanggi sa gagawin. Pinalalaglag na nila ako. Nilagay lang sa garapon at nilibing lang sa tabi ng malaking puno sa gubat. Tuluyan na nila akong kinalimutan Tuluyan na nga nila akong tinanggal sa buhay nila. Tinanggal ang pagkakataon kong mabuhay. Tinanggal ang mga kasiyahan at lungkot na sana ay akin pang mararanasan. Tinanggal nila ang pagkakataon kong mangarap at tuparinang mga yon Tinanggal ang pagkakataon kong maranasan ang mahalin ang mga taong nagmamahal sa akin, dahil walang nagmamahal sa akin. Kung hindi lang sana nagmadali noon sila nanay at tatay. Kung hindi lang sana sila naging mapuso. Kung ginawa lang sana nila yun sa tamang panahon. Kung binigyan lang sana nila ako ng pagkakataong makita ang mundo. Kung binigyan lang sana nila ako ng pagkakataon na masabi ang HELLO WORLD...
Ang kwentong ito ay inaalay ko sa mga walang muang na sangol na dinamay sa katangahan ng magulang. Sana ay nasa mundo na kayo kung saan walang pagdurusa.
Inaalay (pinapatama) ko rin ito sa mga taong nagmadali sa buhay, sa mga nabuntis, nagpalaglag at nag-abandona sa mga anak nila. Sana ay makunsensya kayo. Hindi naiitama ng isa pang kasalan ang nagawa nang kasalanan.
Inaalay ko din ito sa mga naging batang magulang na pinili na buhayin ang kanilang anak. Tama ang ginawa nyo. Nagkamali man kayo nung una, sigurado naman ako natama na buhayin nyo ang anak nyo. Mahirap talaga ang buhay, ginusto nyo yan e
Inaalay ko din ito sa mga kabataang umiibig. May tamang panahon para sa lahat ng bagay, gawin muna ang masnararapat at wag magpadalosdalos sa buhay, ang pag-ibig ay gawin muna nating inspirasyon para sa ating mga pangarap. Masmadali ang buhay kung ang lahat ay nasa tama na.
Mahirap ang buhay pero mas mahirap kung hindi muna tayo nag-iisip bago gawin ang isang bagay. Ang pinapakinggan ko nga palang music kagabe ay ang Hello World ng Lady Antabellum. Wala namang kinalaman yung meaning ng kanta dito sa story, nahalo lang yung emosyon ng kanta dun sa napanood ko kagabe na documentray tungkol sa Teen Age Pregnancy. Kaya mga bata (tulad ko) mag-isip muna. Hindi lang puso ang pinaiiral, dapat pati utak.
P.S. baka iniisip nyo tatay na ako, hindi pa po, naisulat ko lang to dahil dun sa napanuod ko na documentary. Mga 9-10 yrs pa siguro bago ako maging tatay hehehe ^_____________^
nakakasikip nmn ng dibdib ang kwento..
ReplyDeletepero nakakatuwa ka mag isip ^^
prof. Idol pala dapat tawag sayo (^.^)v