Wednesday, March 28, 2012

Unexpected Love and the True Love

       Kelangan ko itong habaan din, baka magselos si "Ci" mahaba kasi yung part 1 na tungkol kay pusa. Itong post na ito ay tungkol naman kay "Ci" (sana mapahaba ko itong post na to).
       Teka sino nga ba si Ci? Actually nakasama na sya sa isang post ko dito yung mga trip ko sa classroom, isa sya sa mga pinagtitripan ko noon. At para masmakilala pa natin sya...
        Simulan natin ang kwentong ito noong 1st 2nd sem ngayong college. Naging kaklase ko sya noong 1st yr 2nd sem, medyo bagong mga kaklase edi mag-isa pa ako nun, si Ci yung katabi ko noon kasi naman wala na akong maupuan na malapit sa mga kakilala kong kaklase. (pero pasalamat narin ako at naging katabi ko sya, kahit na halos parang tinotorture nya ako sa pangingiliti sakin ^____^) Nitong mga panahon na to prang normal na kaklase palang ang tingin ko sa kanya, Syempre bagong kaklase eh. Siya yung madalas kong kausap noon (kasi naman yung isa kong katabi, kakilala ko nga noon pa lagi namang tulog) . Tapos nitong mga panahong ding ito iba pa yung nalilink sakin pero hindi na mahalaga yun. Tapos natapos na yung 1st yr 2nd sem, pero hindi pa dun nagtatapos ang kwento namin ni Ci.
          2nd yr. 1st sem dito na nagsimula yung kakaibang pakiramdam ko, iba na yung pakiramdam ko sa kanya, pero iniisip ko baka naman hindi totoo. Kaya tinago ko nalang, sabi nga ng kaklase ko galing ko daw matago ng nararamdaman, (Great Pretender). Kasi naman si pusa pa ang nasaisip ko pero si Ci unti unti nang pumapasok sa puso ko, pero tago parin ng nararamdaman. Naging class president sya, mahigpit sa pamamalakad ng kanyang nasasakupan, ayos lang naman yun ganon kasi dapat ang president. Noong mga panahon na ito madalas kaming nakaonline parin sa facebook kahit na malalim na ang gabi, nagoout na yata kami ng 12-1am, kaya Nocturnal ang tawag namin sa amin (madami kaming ganito mga 3-4). Ang mga napapag-usapan madalas ay tungkol sa lovelife, si Ci yung nagsilbing doctor love yta dati, sa kanya ako humihingi ng payo, mga dapat kong gawin, mga bagay bagay tungkol sa love, pag-aaral at sa kung ano ano pa. Ayon kya lalo akong nahulog sa kanya, kaya siguro napaisip narin ako nitong mga panahong ito kung si Pusa ba talaga ang mahal ko. Natapos na ang 2nd yr. 1st sem at tulad ng dati swerteng nakapasa ulit ako.
            Ngayon 2nd yr. 2nd sem, malapit na kaming makaalis mula sa pagiging General patungo sa tunay na Major. Nagpatuloy ang kwento namin ni Ci. Noong January ang b-day ni pusa, ed magreregalo ako, eh hindi ko alam ang ireregalo, si Ci yung kasama ko pagbili ng regalo. (tanda ko pa yung sinabi nya noon pagbili ko ng regalo, Ci: naku kapag ako ang binigyan ng ganyang regalo, hindi ganun ang mismong sinabi nya o guniguni ko lang na sinabi nya yun)(Hi Ci, alam kong babasahin mo to, sa oras na binabasa mo to..... tapos ko nang itype ito hehehe ^__________^). Ayun na ngahanggang sa pagbibigay ko ng regalo nagsusuggestsya kung pano, tpos sa mismong araw ng b-day ni pusa katxt ko parin sya, siguro kung hindi ko sya katxt hindi ko na kinaya (salamat Ci), talagang sinusubaybayan nya yung story namin ni pusa, hindi nya alam may gusto ako sa kanya. Then dumating yung time na na friendzoned na nga ako ni pusa, si Ci nandyan para damayan ako (salamat ulit Ci). Ang malaki ko lang pagkakamali nabura ko yung mga notes na nilagay nya sa cellphone ko para icomfort ako (pinagsisihan ko talga yun :(  ) nagtampo sya nun. Si Ci din yung dahilan kng bakit hindi ako masyadong nasaktan nung nafriendzoned ako ni pusa. Tapos narealized ko hindi ko na kailangang itago yung nararamdaman ko kay Ci, pero kung sasabihin ko sa kanya baka hindi sya maniwala baka isipin nya rebound lang sya, kakafriendzone palang kasi ni pusa sakin nun. Pero naiisip ko pano ko papatunayan na mahal ko sya kung hindi ako aamin, papatunayan ko nalang sa kanya na hindi sya rebound at mahal na mahal ko sya. Edi sya nga yung madalas ko nang kasama noong mga nakaraang araw, then isang araw natripan naming manuod ng sine kasama yung isa naming kaklase. (Jack and Jill yung movie) katabi ko sya sa sinehan naisip ko tuloy ito pala ang feeling ng kasama mong manuod ng sine yung taong mahal mo at katabi mo pa (sobrang saya ko). Pagkatapos namin manuod humiwalay na yung isa naming kasama, tapos ako bumili pa ako ng keyboard si Ci naman sinamahan ako sa pagbili, sinamahan nya talaga ako kahit na matagal bumili kasi madaming customer (sa CD-R king kami bumil, mura dun eh, naalala kotuloy yung CD-R king's marinated bangus hahaha) (Hi ulit Ci alamkong binabasa mo to) ayun na nga kasama ko sya sa pagbili, para naman hindi sya masyadong mainip nagkwekwento ako. Natapos na kaming makabili eh nagutom na ako, niyaya ko sya kumain muna bago umalis, punta kaming Mcdo, kami lang dalawa, tapos nakita namin dun yung kasama naming isang kaklase dun din kumain pero sa ibang table, kami lang dalawa sa isang table tamang kwentuhan lang tungkol sa mga pamilya, kaklase, at mga past love life. Ito yung moment na parang sa inyo lang dlawa umiikot yung mundo yung tipong hindi ko na namamalayan na madilim na pala sa labas at halos 7pm na. Ang sarap nyang kakwentuhan. Then nagkatxt nmn kami, paunti unti akong nadiskarte. Tinanong ko sya kung anong tingin nya sa Friends with benefits (benefits of Bf/Gf, hnd yung sa movie na Friends with benefits, baka kasi may mga ibang taong madumi yung utak na iba agad yung iniisip) Tpos jinoke ko sya kung kami nalang kaya (joke pero may halong katotohanan) sagot nya oo pero gusto parin nyang maranasan yung ligawan ko sya kung pano daw ako manligaw (oo yung sagot nya kasi akala nga nya joke un hahaha). Hindi muna ako nagtxt, tapos nagmessage ako sa kanya ng "Only in the darkness you can see how beautiful your stars are". Ipinaliwanag ko sa kanya kung anong ibig sabihin nun (sa mga ganitong pagkakataon ko narerealize na mahal pla talaga kita, parang ganyan kung pagkakapaliwanag ko hindi ko na masyadong matandaan eh, ang importante naamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko) (Hi Ci, I LOVE YOU) syempre hindi sya makapaniwala na mahal ko nga sya, baka daw dala lang nung pagkakafriendzone sakin ni pusa, baka daw maging rebound lang sya. Sabi ko papatunayan ko na mahal ko sy syempre pinatunayan ko talaga (buti nalang hindi nag-iba yung pakikihalubilo nya sakin nung pasukan) Medyo naniwala na sya na hindi sya rebound, , ang problema eh madami rin nga palang nagkakagusto kay Ci (dami kong karibal) edi bago manligaw kelangan ko muna iprepare ang lahat bago ako manligaw (ayaw ko din namang mgakagulo sa room dahil dun, lalong ayaw din yun ni Ci). So kinausap ko muna yung mg nagkakagusto sa kanya, 2 na yung nakausap ko 1 nalang. Isa pang problema ay yung mga kaibigan nya, syempre hindi din maniniwala yung mga yun, ayaw nilang masaktan yung kaibigan nila, sabi ko kay Ci ako na ang bahala sa mga yun.
          Eto na.... Kinabukasana wala yung isa naming prof. tamang tama magagawa ko na, kinausap ko yung dalawa kong kaklase na magbantay sa labas para kung sakaling pumunta yung prof. namin. Eto na talga.... tumayo ako sa unahan....
Ako: Anouncement! Anouncement! maari bang tumahimik muna kayo?! may sasabihin lang ako! mamaribang ako muna yung magsasalita wala munang side comment?! Una may itatanong lang ako! Sino pa dito ang may gusto kay Ci?!  M.A.R. alam kong may gusto ka kay Ci pero nagkataong may gusto rin ako sa kanya, magpapaalam lang ako kung pwede ko syang ligawan, tol walang samaan ng loob ha! Isa pa sa mga nagsasabi na rebound ko lang si Ci, sinasabi ko sa inyo hindi sya rebound, hindi naging rebound at hindi kaylanman magiging rebound! Hindi man ako gwapo ito lang ang sinusigurado ko hindi ko sya niloloko. Hihiramin ko muna ang style ni sir A. Mahal ko si Ci!, Mahal ko si Ci!, Mahal ko si Ci!, at kahit ulit ulitin Mahal ko si Ci! ayan lamang po maraming salamat.. (impromptu yan)
Lumabas sya pagkatapos akala ko hindi nya nagustuhan, yung iba ko namang mga kaklase kilig yung iba nagsabi sakin (ang lupit mo pre, hindi ko kaya yun) yung ibang kumamay. Iba yung pakiramdam matapos kong gawin yun. Sobrang saya. Tapos bumalik na sya hindi daw nya inaasahan na gagawin ko yun (so I guess ayos lang sa kanya yung ginawa ko ^_____^ Hi Ci kung binabasa mo to I LOVE YOU) then dun nanagsimula yung panliligaw ko, then after a few days/weeks. Nagsabi na rin sya ng I love you sakin, Sobrang saya ko nung nabasa ko yung txt yta yun o chat (magkachat at magktxt kasi kami nun). Pero hindi pa kami, mahal namin ang isa't isa pero hindi pa kami, (Illegally yours hahaha) bawal pa kasi syang magboyfriend hanggat hindi pa graduate, pero kung malalaman ng magulang nya handa naman akong kausapin sila at patunayan na mahal na mahal ko sya at wala akong masamang intensyon sa kanya, at makakapagkatiwalaan nila ako, hindi man ako gwapo mapagkakatiwalaan naman nila ako. (Hi Ci, tandaan mo iintayin kita)
           At ngayon halos huling araw na ng pagpasok as 2nd yr. matagal na ulit bago kami magkita, niyakap ko na sya ng sobrang higpit sabi ko ihug nya rin ako sabi nya kiss nalang matagal din kasi kami bago ulit magkita (kiss sa cheeks) again hindiko na ulit maipaliwanag ang kaligayahan ko, tpos ako naman ang nagkiss sakanya (kiss sa cheeks) WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO I LOVE YOU Ci!!!!! tpos ngtxt sya, yung kiss daw ay gift na nya sken sa b-day ko, (4 days nalang kasi bago ang b-day ko at baka hindi kami magkita sa b-day ko) I LOVE YOU Ci salamat sa gift mo, hindi ko talaga malilimutan ang gift m sken, the best na gift!

P.S.
nagtataka kayo kung bakit "Ci", Bi kasi ang tawag nya sken, Teddy bear daw kay Bi. Ci naman yung sa kanya kasi Ci for Cute, cute nya kasi at maganda pa, matalino, kahit na medyo brutal, huggable parin. I LOVE YOU Ci, maghihintay ako sayo...

1 comment:

  1. kasweet naman :') kaw na idol ^^
    nakakapahanga ang pagmamahal mo.. WAGAS xD ^_^

    ReplyDelete