Monday, August 6, 2012

IPIS AT DAGA (MULA SA AKING MABUTING SENIOR, ITO ANG TRIP NYA)

Ang post na ito ay gawa ng aking mabait na senior, bob ong fanatic din sya... ang obra nyang ito ay pinamagatang "IPIS AT DAGA".

pasado alas sais y’ media na ng akoy magising..kung ikukumpara ko ang araw na ito sa nakaraan ay talagang ibang iba..ikaw ba naman ang gumising sa umaga ng punong puno ng panis na laway ang bibig . nakakahiya man ang dahilan kung bakit ito nangyari ay itoy dahil sa isang rason.kagabi.saktong isusubo ko na ang aking toothbrush (di ko alam ang tagalong) na nilalahidan na ng toothpaste (ito ang mas mahirap tagalugin) ay may naamoy akong kakaiba..amoy ipis..babalewalain ko man ang aking naamoy ,(gaya ng lagi kong ginagawa) kaso di ko na kaya pang ipilit na ipang kaskas ito sa aking ngipin ..bukod ata sa dinapuan ito ng isang batalyon ng nagwewelgang  ipis ay dito na rin ata nila napiling maglabas ng sama na loob..oo !! tama..dito sila TUMAE..oo kulay itim na likido na kahit ata ipa DNA test mo kung kanino e isa lang ang ituturo.ang mga pesteng ipis ! ewan ko ba kung bakit nila ginawa ito sa isang katulad ko..wala naman akong ginagawang masama sa kanila..mabait ako sa mga ipis..ako nga ang takot sa kanila lalo na tuwing gabi pag bigla na lang silang gumagapang sa paa ko habang jumijinggle ako..oo aaminin ko na..(di naman nababasa ito ng aking ina) sa tuwing umiihi ako at ginagapangan ng ipis sa paa ay bigla akong nagugulat at nawawala sa konsentrasyon at sumasala sa inyodorong kulay pink namin ang aking ihi..kaya tuloy sa umaga ay parang interrogation sa isang presinto kung paaminin ng aking ina ang maysala ng krimen na iyon..

bakit ba kasi ipis ?? kung yung mga daga pa ang lumapastangan ng kulay berde kong springmaid na toothbrush e mas maiintindihan ko..bakit? kasi malaki ang kasalanan ko sa angkan nila..sa tuwing gabi kasi na nagkakaluskusan ang aming basurahang nakasabit sa may bodega ay binibigyan ako nito ng senyales na isang grupo na naman ng mga daga ang nagkakalkal ng mga basura namin at pinipili ang mapapakinabangan pa nila .. tapos sila sakin..kung mabilis silang tumakbo..mas mabilis ang kamay ko..habang abalang abala sila sa pagsimot sa mga pagkaing natira sa loob ng basurahan..eto ako..handang handang dakmain ang plastic bag na basurahan at dagling isinasara ito para wala na silang kawala..tapos ang laban..ako ang nagwagi..pero di pa natatapos ang kalbaryo nila doon..(patawarin sana ako ng mga grupo ng mga indibidwal na nangangalaga sa karapatang panghayop) matapos kong mahuli ang mga pasaway na daga ay dadalahin ko na sila sa lugar na paglilibingan nila este paglulunuran nila..sa toilet bowl..kung akala nila sa pagbukas ng pagkakasara ng plastic bag ay makakawala na sila ay nagkakamali sila..(BWAHAHAHAHA..tawa ng demonyong sumasapi sa akin) kita ko sa mga daga ang ngiti sa kanilang mga labi habang dali daling lumalabas ng plastic ang bawat isa..NAISAHAN KO SILA..pagtalon nila..shoot na shoot sila sa toilet bowl namin.(with flush) kawawang mga daga..instant paligo sila..(napaisip tuloy ako.naliligo kaya ang mga daga ?) ang cute pala nilang lumangoy..kung may langoy asong tinatawag..tingin ko dapat ding bigyang pansin ang istilo ng paglangoy ng mga ito at mailagay o maisama sa mga uri ng langoy na nasusulat sa mga PE books..

siguro kung mababasa nyo ito ay maiisip nyong sinapian ako ni TOM..yung pusang humahabol kay jerry palagi sa isang cartoon..madami rin kasi akong gimik na ginagawa sa mga ito..nariyan na ang pagbuhos ko sa kanila ng muriatic acid sa mukha nila habang patuloy silang humihingi ng tulong sa mga kapamilya nilang dagang nagkukuta sa aming bodega..nakakatuwang pagmasdan ang mga daga habang kinukusot nila ang mga mata nilang napatakan ng muriatic acid .. gusto mo bang maramdaman ang nararamdaman nila..kumuha  ka lang ng muriatic acid at gawin itong eye drops..nung nakaraang araw ng mga patay..habang abala ang mga pesteng bata sa pangangaluluwa ay andun ako sa aming banyo..nakikipagtuos sa isang daga nahuli ko..hinahamon ako ng dagang iyon..mukhang nakapag drugs kasi ..ang likot..ang kulit..di ko alam kung natutuwa ba siya o nagmamakaawang di na sya muling magpapahuli sa aking nagkakalkal ng kaldero namin..pakawalan ko lang siya..gamit ang isang kandilang puti  ay pinatuluan ko siya ng kandila..syempre inuna ko ang ulo nya..ayus ah..parang nagtatawas lang ako sa ginagawa ko..masaya pala..kapag nagsasawa na ako sa piling ng mga basang basang daga ay ginagawa ko na ang huling hatol sa kanila..ang pag paFLUSH ko sa kanila..oo makikita mo silang unti unting nilalamon ng toilet bowl.. siguro sa bahay naming ito yung lugar na kinatatakutan nila..bukod sa ditto na sila mamamatay ay maililibing sila ditto kasama ang mga halimaw na bagay mula sa katawan ng taong lumalabas sap wet mo..pwet ko..pwet nating lahat..kaawa awang mga daga..ganyan talaga ang buhay..survival of the fittest lang yan.matira matibay.(SHET..di pa nga ako natatapos magkwento ng tungkol sa mga pesteng mga daga ay may isang pasaway na naming gusting makipaghabulan sakin..pasalamat sya wala ako sa mood habulin siya)..

marami ng mga hayop sa mundo ang nanganganib ng maubos at mawala..pero sa tingin ko naman e di kabilang sa listahan ng mga ito ang mga dagang hinuhuli ko..peste kung ituring nga sila ng mga tao e kaya kung mababasa ito ng mga tulad kong addict at past time ang panghuhuli ng daga ay sasabihin nilang tama ang ginagawa ko at tuturuan pa nila ako ng makabagong paraan sa panghuhuli ng mga ito..di ako galit sa daga..(WEEEEE??? MARAHIL  ITO ANG SASABIHIN NYO) nung bata nga ako e may alaga akong daga..pinangalanan ko pa itong brownie..kasi kulay brown siya..yun lang ang rason..nabili ko sya nung fiesta dito samin..bente pesos ata ang bili ko sa kanya nung mga panahong iyon..ang daming pinagbibiling mga daga nuon..di ko alam kung bakit ba kulay brown ang napili ko at di kulay puti..sigruo para mas madali ko siyang makilala pag sinubukan nyang  tumakas at sumama sa mga pesteng daga sa aming bodega..(challenge:bilangin ang salitang  bodega sa mga nadaanang pangugusap..pag tama ang iyong nabilan e ibis sabihin di lugi sa pagpapaaral ang mga magulang mo sayo nung bata ka pa ) inabot ata ng 5 buwan ang itinagal ni brownie..sa loob ng 5 buwan ay madami kaming pinagsamahan..nariyan na ang paglalagay ko sa kanya sa spinner(yung patuyuan ng damit) .. nakakatawa kasi paglabas nya e hilong hilo siya at halos gumulong na siya sa hilo..(uy..gusto mong itry nyo..kung ayaw mong mag antay ng fiesta para makabili ng daga para paglaruan e tawagan mo ako sa 09152358437 para maturuuan kita ng mabisang paraan para makahuli ng isa) mabait akong amo kay brownie..ginawan ko nga sya ng bahay mula sa kahon ng sapatos..take note..kahit mag isa sya e double-decker ang kama nya..di rin  sya nauubusan ng pagkain at tubig na halos itinatapon nya lang pag trip nya..ang ayaw ko lang sa daga e ang amoy nito..ang baho baho..gusto ko sanang isama ito sa nilalabhan namin sa washing machine kaso baka kumapit lang ang amoy nya sa mga damit naming..laya ayun..tiis tiis na lang ..basta may mapag laruan lang..

nakakita ka na ba ng dumi (tae) ng daga??..kung  ikukumpara sa tae ng ipis na nakita ko sa toothbrush ko e mas maayos ang itsura ng tae ng daga..para nga siyang chocolate sprinkles..siguro kung iyon ang nakita ko sa tooth brush ko kagabi e ginamit ko na ito at di na napuno ng panis na laway ang bibig ko pag gising kaninang umaga..cute ang tae ng daga..kasing cute nila..

the end ..(para sa mga daga) NGA PALA .. yung toothbrush kong green na spring maid na tinaehan ng daga..ayun itinapon ko na sa basurahang paboritong tambayan ng mga pesteng daga !!Muli ang obrang ito ay hindi ko ginawa, pinost ko lang kasi maganda ^____________^

1 comment:

  1. woah.. kala ko butihing puso.. may itinatago ka palang maitim na budhi! haha buti nga sayo di mo ba alam na magbestfriend ang ipis at daga? paghihiganti lang yan sa kabrutalan na pagkakamasaker mo sa kanilang angkan >:P xD (^.^)v
    toothbrush=sepilyo
    di ko lang alam ang toothpaste.. hmm asin? haha un toothpaste nung panahong una e xD

    ReplyDelete