Hindi ko talaga alam ang tunay nakahulugan ng trip. Kaya heto kung anu anu nalang ang pinaglalagay ko sa blog na to. Kahit anu nalang pumasok sa isipan ko. Siguro kahit tungkol nalang sa buhay ko ang ilagay ko dito, Pero kapag ganun ang ginawa ko magmumuka na tong journal kesa sa blog.... at hindi narin ako pwedeng tawagin na "Mr. Yoso"(
eto yung ginagamit kong signiture sa txt nung mahilig pa akong magtxt
)...
Tungkol naman dito sa "Environmental na 3P". eto yung nakita kong nakapaskil sa Bench sa SM. "Bawal ang plastik at mapapel dito pag Miyerkules" nice1. eto yata yung sinasabi sakin ng inay nasinabi sakanya ng kuya nasinabi sa balita na sinabi ng reporter na sinabi ng spokesperson ng malacanang na sinabi ni Pnoy na sinabi ng DENR (woo haba nun ah) na sinasabing para medyo mabawasan ang paggamit ng plastik na syang sanhi ng pag-init ng earth (galit siguro ang earth sa mga plastik kya nag-iinit sya, hehehe joke) ay ipagbabawal ang paggamit ng plastik bag sahalip ay renewable bag nalang ang gamitin. Kaya tandaan ang mga kaibigan nyong plastik ay kalaban nyo at ipinagbabawal tuwing miyerkules, pero kapg miyerkules naman e friends na ulit kayo. pwede na ulit kayong magplastikan (kahit hindi ko alam kung bakit nila tinatawag nila na plastik ang kaibigan nila, bakit gawa ba sila sa synthetic?). Siguro dapat hindi lang miyerkules ipagbawal ang plastik....
........Kung hindi kaya naimbento ang platik, anu kaya ang tawag nila sa mga kaibigan nilang plastik, KARTON?
hahahha xD ikaw na talaga.. haha xD o ako lang talaga ang mababa ang kasayahan? hahah xD pedeng Vice ganda ang peg xD
ReplyDeleteP.S. sang galing yung Mr. Yoso (?.?)