Monday, January 24, 2011

MAKABULUHANG 3P?

              Panu nga ba nasabi kung ang isang 3p ay makabuluhan?..... ah kung ako ang tatanungin, ewan ko...hindi ko nga alam ang tunay na meaning ng TRIP, basta nung highskul pa ako basta ko nalang narinig ang salitang TRIP, dahil yata ng movie na jologs o mayroon sadyang palabas na Trip. A ewan ko, basta mga naririnig ko noon ay mga sumusunod: lakas ng trip, lupit ng trip, lufet ng trip, kanya kanyang trip, trip to jerusalem, palakasan ng trip, pinagtitripan, etc. (siguro pinoy lang ang gumagamit ng salitang trip sa kung anu anu)(salamat nga pla sa nagtype ng close pharenthesis sa group chat...sira kasi ang 0 ng keyboard ko...yan pwede na ulit akong gumawa ng smily :))))). Ang isa sa mga trip ko ngayon ay ang pagawa ng blog na to. tungkol sa mga trip ko, trip ng kaklase ko, trip ng kapamilya ko, trip ng kabarkada ko, o kahit trip ng kung sino sino.
               WOW haba ng foreword..Yun nga ba ang twag dyan sa unang paragraph?..
               siguro ang blogpost ko ngayon e pra ipagyabang na NAGBLOOD DONATION AKO OO NAGBLOOD DONATION AKO!!! wala lang isa pang trip ko sa buhay. mga 450cc lang naman ang kinuha nila sakin pra gawing betamax, a este i bigay pla sa iba. Ang ikinadismaya ko lang ay ang pag-aakalang rare ang blood type ko, ung mga mala bloodline limit lang ang meron, pero ang lumabas sa test result ay O. O for ordinary amf. Sa ginawa kong trip na to napatunayan ko na...mas mahaba pa ang ipipila mo kesa sa oras ng pagbibigay mo nang dugo^^. Tapos, ang kapalit ng binigay mong dugo ay isang Zesto(hindi malamig) at magic flakes na may palaman anu ngang tawag dun sa iniidorse ni john loyd?? yung "wanna see some magic?". Yan ang isa sa mga 3p ko....

PAGSASANAY: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa dahon ng saging tulad ng sabi ng guro ko sa elementary nung wala akong papel.
1. Anu ang mas makabuluhang 3p? Ang paggawa ko sa blog na to o ang pagdodonate ko ng dugo?
2. Anu ang masmasakit? Ang pag-aakalang rare ang bloodtype mo pero ordinary lang pla o ang tusok
     ng karayom sa daliri at braso mo?
3. Wala na akong maitanong... Kayo naman ang magtanong sakin^^ kahit ano, wag lang ang theory of relativity kasi 1st yr palng ako...

2 comments:

  1. isa pa tong wlang comment tsk tsk tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagulat ako dun sa 1st photo.. kala ko kung ano nangyari.. haha ngdonate lng pla ng dugo =)
      answer #1 pagdonate ng dugo ang sakin haha nakatulong ka kabayan! xD secondly n lng itong blog mo para may source of entertainment aq xD (^.^)v
      answer #2 tusok ng karayom >.<

      anong lasa ng buhangin sa Mars? =P

      Delete