Sunday, January 23, 2011

1st Post : Bkt "The Prof" ang name ko dito?

               Bakit nga ba "The Prof." ang name ko dito kahit na isang college studyante pa lang ako? Kahit naman grumaduate ako hindi rin naman ako magiging (check muna ng ispelling ng professor sa google) professor. 
              Ito muna isang maikling sagot: Aba ewan ko, kung hindi ba naman kasi nagkaroon ako ng allergy sa mata, na sa inaraw araw nang ginawa ng dyos (amen) eh lagi nalang kumakati at nagluluha ang mata ko, hindi sana ako nagkaroon ng dalwang pang bubog na mata ngayon. Tapos tinatawag pa ako ng mga guro, titser, prof, instructor o kung anumang tawag sa nagtatanong na alam naman nila ang sagot, na muka daw akong prof ... hindi ko alam kung dahil parin yun sa salamin ko o dahil sa paglalakad (para kumuha ng kung anumang pinapakuha ng guro, titser, prof, instructor o kung anumang tawag ng ilan sa mga guro, titser, prof, instructor o kung anumang tawag ng ilan sa mga guro, titser, prof, instructor o kung anumang tawag ng ilan sa mga guro, titser, prof, instructor o kung anumang tawag ng ilan sa mga... hahaha nasiyhan na ko sa pagpapauli-ulit na yun))(sana may mas mataas ang marka kapag mahaba ang composition^^)   nasaan na ba ang usapan?? ah nasa pagalalakad na pla... kasi naman kapag nakaupo aq hindi naman nila ako tinatawag na ganun baka sa tindig at tikas ko lang (naks tikas... whats the meaning of "tikas"? ah tindig nalang). Minsan din kapag nakikita ko ako ng dati kong mga kakalase o kakilala sinasabi nila na muka na daw akong professor lalo na kapag ang dala kong bag ay yung bag na deathnote na mukang bible. Akala ko pa naman muka akong pari dun pero mas muka palang prof.  (napansin nyo ba na medyo madaming ( ) dito sa first post ko bale mga 7 lang naman ang "(" at syempre 8 naman ang ")"... hindi pantay... hahaha corny).
               Yan na yung mga dahilan kung bakit ako naging "The Prof." Sa susunod nalang ako magpopost ng mga 3P NG BUHAY medyo gabe na kelangan nang matulog
                    
P.S.
maglagay narin kayo ng mga tungkol sa 3P ng buhay nyo.... JUST LEAVE A COMMENT narin....

3 comments:

  1. Replies
    1. 2nd! hahaha xD continue writing lang prof astig ka magsulat comedy eh xD

      Delete
  2. grabe may pinaghuhugutan talaga eh!

    ReplyDelete