Saturday, January 29, 2011

BAGUIO 3P... Part 2: Trip sa Baguio

            Alam nyo ba kung bakit inuna ko yung masasamang experience sa trip kesa sa magaganda? Kasi.... (badtrip lagi nalang tinitingnan ng kaptid ko kung anu ginagawa ko sa PC, wala na bang privacy dito?)..... Para madame akong mailagay na magagandang experience, kapag kasi pinang-una ko yung magaganda konti lang maiilagay ko. (Napansin nyo ba na walang kwenta tong unang paragraph... pampahaba lang walang kwenta...)
            Kahit saan sigurong field trip masaya kapag madaming kasama at lalu na kung mga kaklase mo kasama mo pero mas the best kung mga katropa mo talaga ang kasama pero ganun pa man masaya parin kahit papanu. Masmaganda at maeenjoy mo ang Baguio kung may dala kang camera kahit na Digital Camera, simpleng Camera o kahit na ung diFilm pa at doubleA battery ang gamit (meron pa ba nito? extinct na yata to). 

            First spot sa Baguio, MAHABANG HAGDAN daw sabi ng kaklase pero masmaganda kung STAIRWAYS TO NGALAY...GRORTO daw (yun ang pinakamatinong sagot, pero hindi alam kung anung groto) yun may pinakamatino nang sagot salamat sa FB.... LOURDES GROTO. Akala ko kaya ang 260 steps "daw"(puro mga walang kasiguraduhan ang mga sagot) pero nasa kalahati palang ako akala ko naiwan ko na sa baba ang baga(lungs) ko, tinakbo ko kasi yung kalahati, kaya nung sumunod na mga steps na nilakad ko nalang, kung pwede ko nga lang gapangin eh. Pagdating ko sa taas, WOW sa VIEW kaso mafog hindi ko msayadong makita ang ibang view, kaya pinicturan ko nalang yung mga kasama ko na paakyat palang...
            Next spot... Bell tower yta tawag dun kaso dahil huli na nga kami nakarating sa Baguio hindi na kami bumaba sa Bus. Pinuntahan nalang namin ang Strawberry Farm. Ang akala ko dati parang puno ng kamatis ang puno ng strawberry parang shrubs lang pala, tapos tulad ng ibang tourist spot sa baguio meron ding mga souvenir shops na mas mukang yun pa ang tourist spot sa dame ng tao. ah anu pa ba sasabihin ko... wala na



            Next.... PMA. Dito makikita ang mga susunod na ibabala sa kanyon ng pilipinas este mga magigiting na sundalo pala... at mga souvenir shops parin, meron din silang museum dito, may mga lumag baril, uniform nila paintings, class pictures atbp.  Dun ko rin nakita ang katibayan na kapos talaga ang bugget ng Pilipinas (o binubulsa lang ng mga pulitiko?) meron kasi dung mapagkakamalan mong building pero pader lang pla ito yung nasa field. Sayang nga lang kasi miyerkules kami pumunta at hindi sabado, hindi tuloy namin nakita ang Ceremonial Parade sayang astig sana yun... Ang nabili ko dito.... isang keychain. (kuripot hehehe)
             Sunod.... Camp JohnHay sana kaso nakakatamad ulit bumaba sa bus wala naman daw kasi kaming makikita dun na maganda at may renovation pang ginagawa. Kaya tumuloy nalang kami sa Burnham Park. 30mins lang daw kami dun tapos punta na sa Baguio Cathedral...1:00pm pinakain na kami ng tanghalian nakatambay sa burnham 1:15pm saka palang kami nakapaglibot sa park waaaaa 15mins lang... buti nalang hindi na kami pumunta sa cathedral kaya medyo nagtagal kame sa pamamasyal. Namangka muna kame... ang hirap magsagwan dalawa kaming nagsasagwan kaso walang synchronization kaya paikot ikot lang halos kame, tapos nung nasa gitna na naisip na namin ang problema PANU KAMI BABALIK!!!! e sobrang hirap magsagwan 5mins na wala pa kame sa pampang kaya ako nalang magisa ang nagsawan (ginawan ko na yatang work-out place ang baguio mula sa pag-akyat sa 260steps hanggang sa pagsasagwan wew) at sa wakas nakapunta din kami sa pampang... Gusto sana naming magroller blades kaso ANG MAHAL!!! 100 5mins lng yta, nakaktamad naman magbike walang thrill. Kaya ang sunod naman naming pinuntahan ay ang pinakapinupuntahan ng mga tourista sa baguio ang souvenir shops, bumili ng kung anu anu, keychain, damit, peanutb brittle at kung anu anu pa.
               Sunod ulit... The Mansion dito pinapaniwalaan na may nanahan na multo ah ibang mansion pala yun. Dito nanunuluyan ang presidente ng pilipinas kapag nasa Baguio sya. Hanggang bukana kalang at hindi na pwedeng lumapit pa soo ang gagawin mo lang dito ay magpapicture sa loob at labas ng napakalaking gate... 


                Then... Mines View Park na!! Dito sasalubong sayo ang sandamakmak na souvenir shops, kahit siguro pagsamasamahin pa ang mga souvenir shops sa Groto, Straberry Farm, PMA, at Burnham park, mas marami parin dito sa mines view ang mga shops. Ibat-iba din ang mga raket dito tulad ng papicture sa malaking aso(saint bernard), pagtitinda ng souvenirs, at pagpaparenta ng irogot costume, syempre lahat yan may bayad parang ang moto yata ng mga taga baguio "Wala nang Libre sa Panahon ngayon". Naisip ko tuloy nung naglilibot ako dun.... Magtayo kaya ako ng stall, ang ititinda ko ay plastik labo na may hangin sa loob tpos may tag na "Fresh Baguio Air for 5php only". Sa sobra ngang dami ng mga shops dun akala ko ang Mines View ay tiangge lang ng mga souvenirs (P**** hindi ako makapag-isip ng ayos nagpaptugtog nanaman ng K-pop ang kapatid ko, nacucurious tuloy ako kung anu pinagsasabe dun). Pero da best tlga yung view (buti nalang walang bayad yung view). Nung nagbalikan na sa Bus bumili ang kaklase ko ng buko pie dun sa naglalako nag sabe baka daw gusto din subuka yung strawberry pie, pero walang ya nung nabili na pagtingin sa pie parehas na strawberry pie at hindi buko pie (siguro strawberry ang buko sa baguio)



                Last one.... SM Baguio ang SM na walang aircon, sa lamig kasi sa baguio hindi na kelangan ng aircon, tipid sa kuryente masmalaki ang kita (pero naiisip ko masmalaki parin ang kita ng ibang SM kasi kapag brownout o walang kuryente masdumadame ang tao sa ibang SM kesa sa SM Baguio) Naglibot muna sa SM nagpicture picture, halos buong baguio kasi kita mo mula sa SM, University of Cordillera, Burnham Park at Baguio Cathedral. Pagkatapos naming maglibot syempre kumain anu pa bang ibang ginagawa sa mga mall except sa pagwiwindow shoping....Nung gumabe na mga 6:30pm na yata yun nagnight mode na ang view sa Baguio ilaw mula sa mga bahay sa park kaya maganda parin kahit na gabe.....
                Pagkatapos nun 7:00pm sakay na ulit sa bus byahe na pauwe....



Mga dapat tandaan kapag pupuntang Baguio:

    Magdala ng pera- kasi alam ng mga kakilala, kapamilya, syota, at kung sinu-sinu na pupunta kang Baguio
                                kaya mapapalaban ka sa pagbili ng mga pasalubong
    Mag dala ng Camera- tulad nga ng sinabi ko sulit ang pagpunta sa Baguio kapag madami kang pictures
    Wag inom ng inom- kasi malamig sa Baguio at hindi ka masyadong papawisan kaya yung fluid sa katawan 
                                    mo magiging ihi, at tandaan may bayad ang mga CR sa baguio kaya kung gustong
                                    masulit ang pera wag inom ng inom.
    Kelangan marami kang kasama- masmasaya kapag marami at iwas holdap na rin kasi marami kayo, 
                                                       masaya na may secured kapa.
    Pinakahuling dapat tandaan: Wag kakalimutan ang pasalubong ko kapag nagpunta kayong baguio^^

2 comments:

  1. Replies
    1. haha di nga halata xD
      dami ko pa rin tawa.. dami ko icocomment sana dito pero baka maging nobela shh n lang muna ako excited na ako sa next part.. haha pwedeng Wattpad writer xD
      P.S. bakit d kayo sumakay ng kabayo? sayang experience din un katulad ng pamamangka ng paikot ikot lang HAHA (^.^)v

      Delete