Saturday, January 29, 2011

BAGUIO 3P... Part 1: Bad 3p na Byahe

                Simulan natin sa paghihintay ng Bus. 7:00pm call tym, 7:30pm-8:00pm aalis na "daw". Pero sa kasamaang palad inabot na kame ng 9:00pm wala parin, 10:00pm bagot na kame pero wala parin kaya naisipan naming maglibot sa university, gabe walang tao sa ibang building madilim para mas exciting kinuhanan ko lahat ng madaanan namin para may makuhanan akong multo, pero wala parin kaming nakita haysss, 10:00pm wala parin ang iba nagutom na kaya inupakan na ang mga baon na dapat e sa byahe kakainin (at dahil nang-alok naman sila ng mga baon nila kuha lang ng kuha Note: Masamang Tumanggi sa Grasya baka Lumayo). At dahil wala na kaming magawa kundi ang maintay nakipag kwentuhan nalang kame sa chem prof namin, nagtanong kung panu gumawa ng shabu(methampetamine) at kung anu yung fertilizer na ginagamit sa dinamita(Tri Nitro Toloune). 11:00pm sa wakas dumating ang bus. Ayos na sana, kaso nung napansin namin na parang kulang ang byahe..hmmm ah kulang ng sounds...
           Student: May connector po ba pra sa Spearker? (sa mga oras na to hindi pa binubuhay ang speaker sa bus)
           Driver: Wala
       Pinabayaan nalang namin, kanya kanya nalang na soundtrip. Ayos na ulit sana, kaso yung bintana ng bus bukas ng bukas sira ang lock, so anu pa ba ang ginawa ng inyong abang lingkod na matulungin humanap ng paraan para mailock na yung bintana (kunyari matulungin pero ginawa ko talaga yun kasi nalalmigan din ako kasi katapat ko yung bintana). Ok na, tumulog ng konti tapos gigising sa stop over, nalaman lang namin ang isa pang problema nung 6:00am na nasa bandang Baguio na yata kame, nung pinabuksan namin TV para naman may mapanuod (syempre anu pa bang ginagawa sa TV, pinagpapasapasahan?)
       FAIL#1
         Students: Pwede pong pabukas ng TV?
         Driver: Wag na, wala pa namang tao sa TV maaga pa
         Student: Meron na po UKG na! (ipalabas kaya ako sa TV kasi inindorse ko ang show nila.^^)
         Driver: ......
    At ang resulta...wala parin, hindi parin binubuksan ang TV. Kaya tinulog ko nalang, pero madalas akong magising dahil sa...
       FAIL#2
            Bintana: Tok(tunog ng natagtag na lock), Swisssshhhhh

            Ako: Grrrrrrr, lameg naman.(sinaraduhan ang bintana)
            Bintana: Tok(tunog ng natagtag na lock), Swisssshhhhh
            Ako: Bukas nanaman? (sinaraduhan ang bintana)
            Bintana: Tok(tunog ng natagtag na lock), Swisssshhhhh
            Ako: %$@!$! Sira ang lock ng bintana
        Natulog ako na halos magkahypothermia na ang tenga sa lamig ng hangin na nanggagaling sa bukas ng bukas na bintana. Pagkatapos ng ilang oras pa nakarating na kame sa first location.Ang isa pang FAIL sa trip ay ang "Tour Guide daw" pero parang nakiangkas lang sa trip. Buti nalang maganda yung tour guide kung hindi lalong badtrip.
      FAIL#3
         Tour Guide: Nabilang nyo ba kung ilan ang steps?
         Students: Hindi po, Ilan po ba?
         Tour Guide: Hindi ko rin alam eh... 
    Wow galing hindi din alam, e cnu pa kayang nakaalam nun yung driver?
      Byahe na ulit papunta sa ibang location. Nung nasa byahe na kame panuntang PMA sinita ng enforcer ang bus namin (ako lang yata ang gising nun at yung mga nasa likod kaso ako lang ang gising sa una ako lang yata ang naka alam ng mangyare).(isa nanamang hindi inaasahang stop over) Nakita yata ng enforcer na kulay green yung plaka(ilagal yta yun kasi walang dokumentong maipakita) tapos coding pa yata yung bus, ang resulta... kinuha ng enforcer ang plaka (panu kaya kung nahulog yung bus namin sa bangin edi hindi nakikila agad yung bus).
         Sa sobrang badtrip ko ayoko nang ilagay pa ang iba. Buti nalang maganda sya (yung sceneries sa baguio) at mabait pa (yung baguio parin yan) matangkad at sexy (ah hindi na baguio yan heheheh)

Summary of FAILS:
 Fail 1: TV na pang display
 Fail 2: Bintanang sira ang lock
 Fail 3: Miss Tour guide na naki-angkas lang yata.
Iba pang FAIL 
Pang dispaly din na speaker ng bus, illegal at coding pang plaka ng bus, lahat yata sa baguio pinagkakakitaan kahit yung mga CR (5php kpag normal na CR at  6php daw kapag clean, wala din namang pinagkaiba yung dalawa) kulang nalang pati yung hangin sa baguio lagayan ng presyo,  kulang sa oras ng trip at marami pang iba...


NEXT PART: tungkol sa magagandang experience sa baguio...

2 comments:

  1. Replies
    1. hahaha..
      weh drugs at bomba talaga? haha kaya kayo sinita ng enfocer eh.. suspicious daw hahaha xD
      fail #1 KJ ang driver!
      fail #2 may pinagdaanan ka din pala prof.. kadamay mo ako.. haha xD
      fail #3 kaya nga nagtatanong c Miss kasi di nga alam db? hahaha ang trip tlg xD
      fail #4 be "wais" sa 5php na ako, ako n lang maglilinis masasabihan pang masipag xD mahala na kahit piso lang ngayon xD supilin xD

      Delete