Monday, March 26, 2012

Unexpected Love and the Time

        Eto na muli ako, syempre bakasyon na wala nang masyadong iisipin (sana nga lang pasado sa lahat ng subjects). Medyo nawalan ako ng oras para magblog eh, daming kelangan asikasuhin sa pag-aaral.
        Ang Blog post na ito ay tungkol sa Love story ng buhay ko. Hindi ko alam kung dapat ko itong i-post kasi nga mga trip lang ang mga nandito sa blog kong ito, pero itong post ko ngayon ay hindi trip, kasi ang Love ay kaylanman hindi naging at dapat maging trip. Ito muna yung part 1 pinamagatang "Unexpected Love and the Time"
      
        Sisimulan ko ito sa Puppy love/1st Love o kung anu mang tawag dito. Pangalanan nalang natin sayang "Pusa" mahilig sya sa pusa eh. Siya yung 1st Love ko, Bestfriend ko nung elementary. Nung naghigh school kami magkaiba kami ng pinasukang school. Pero yung bahay namin magkalapit lang mga 100 steps siguro yun. Minsan nagkakasabay kami sa sakayan. Tpos dati uso pa yung Fiendster ( meron pa kayang gumagamit nito?), sa friendster dati kami nagkakausap. Tpos yung Facebook naman ang nauso, syempre dun kami nagchachat (kung ano yung uso yun ang ginagamit).
          Noong High school ako medyo nagkakagusto din naman ako sa ibang babae syempre tao din naman ako, pero masasabi kong yung tipong crush lang. Ang nasaisip ko kasi dati si Pusa yung mahal ko kaya hindi ko masyadong pinapansin yung iba. Pero dumating yung oras na nagkagusto ako dun sa isang babae itago nalang natin sya sa pangalang "L". Noon kasi nabasa ko yung quotation ni sensei Bob Ong na "Kung magmamahal ka ng dalawa piliin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng dalawa kung mahal mo yung una". Kaya yun tinesting kong ligawan si "L" pero busted hahaha. Sinabi ko sa sarili ko baka nga si Pusa ang para saken. Then may iba din namang babae nagkagusto sken (hindi sa makapal ang muka ko, based on my intuition lang ^___^) pero hindi ko na pinapansin, kasi nga ang nasaisip ko tlga eh si Pusa.
            College na, parehas kami ng kinuhang course ni Pusa pero hindi kami naging magkaklase (hindi ko na ilalagay dito u=yung mga dahilan kung baki, baka kasi maging nobela na to kapag ipinaliwanag ko pa ang lahat ng mga nangyayare), panggabi yung sched nya pang tanghali naman ako. Sa ROTC nagkikita kami, pero napaka dalang. Nung nagsecond semester nagkaproblema yata sya sa grades ako naman sinuwerteng makapasa, tumigil sya ng isang sem ako tuloy parin. Tpos natapos yung second sem sinuwerte ulit akong makapasa. Tuloy na tayo ngayon sa 2nd yr, ito yung mga taong nagiging 18 na yung mga kabatch m, syempre importante to sa mga babae (Debut nila). Ito na yung pagkakataon ng mga lalake na magbigay ng regalo sa mga kaibigan/gusto nilang babae, kuripot ako kaya dun lang sa gusto ko (hindi naman talga ako kuripot, wala lang talagang pera). Ikaw ba naman ang may baon na 100 pesos sa isang araw, 40 pesos para sa pamasahe minsan nagiging 54 kapag sosyalin ang kakainan, edi may 46-60 peos para pagkain, kung kakain ako 45-75 pesos din un edi lugi pa ako sa baon kya minsan dun nalang ako sa 45 pesos at madalas hindi na ako kumakain (kung mababasa siguro to ni Pusa maawa yun, kasi yung mga kaklase ko awang awa na sken eh, ang martir/dakila/ pahirap sa sarili ko daw). Kung kakain pa kasi ako hindi ako makakapag-ipon na malaking pera (wala kasi akong maisip na ireregalo, 1st time ko kasing magbibigay ng regalo sa kanya, tpos hindi ko pa alam mga trip nya). Dahil nga sa hindi ko pagkain ng lunch ng 3-4 months nakaipon ako ng 3500 pesos (yehey, dami ko nang pera!) maliit lang baon ko eh kya maliit lang din ang maiipon ko, tpos nagpasama ako sa kaklase ko pra bumili ng regalo, binili ko ay isang 2,500 na relo yun nalang niregalo ko. (sana hindi ito mabasa ng nanay ko, pagnalaman nun ang pinaggagawa ko, x_x dedz). Inimbitahan nga din pala ako ni Pusa sa B-day celebration nya  "overnight" 2 days bago ang mismong b-day nya (tama ba 2 days?). Halos 24 hours sa resort, dito ako unang nag-inom, ikaw ba naman ang alukin ng mga kapatid nya syempre iinom ka, kami nalang 2 yung natira dun, ung iba tulog na yung iba nasa kabilang cottage. Pra akong sirang plaka nun ako lang kwento ng kwento, hindi ko din naman alam kung nakikinig sya, siguro naman. (dapat i-boblog ko yung mga nagyare nun, pero tinamad na ako). Tapos noong mismong B-day nya nagising ako ng maaga, (nakauwi na kami ng mga araw na ito) sila tulog pa. Ito na yung mismong araw ng B-day nya, nagjogging ako hanggang palengke, bili ng 3 rose (kasi yung lang halos kaya ng perang dala ko) tpos jogging ulit papunta sa bahay nila (wala paring gising) iniwan ko nalang sa loob ng gate (buti nalang walang aso) tpos may note na "Happy 18th Birthday" ulit.
        Pagkatapos nun manliligaw na sana talaga ako, dadaan ako sa Gym kasi PE nila hindi ko naman sya makita, ayung kya hindi ako nakapanligaw talaga. Then nagkatxt ulit kami (Oo, nagkakatxt kami, malimit nga lang) medyo txt txt tpos ayun sinabi na nya sa txt na friend nga lang tinging nya sken (Firendzoned!!!). Pero hindi ako masyadong naapektohan, kasi naman noong mga nakaraang araw bago pa nya ipaalam saken yun, napapaisip na ako kung sya ba talaga, lalo na nung pagkagaling ko sa fiestahan sa kaklase ko, yung tipong wala ka na talgang nararamdam kundi kaibigan lang talaga kya hindi ako masyadong naapektohan. Buti nalang sinabi nya yun, dahil dun narealize ko na Tinali ko ang sarili ko sa Ilusyon ng nakalipas. 1st love ko nga lang tlga sya. Pero syempre kaibigan ko parin sya. Kaya Pusa ito ang mensahe ko sayo, Hindi ko sinusumbat sayo ang mga ginawa ko para sayo, ginawa ko yun para sa sarili ko, ako ang may gusto na gawin ko yan ^______^ at salamat at sinabi mo na magkaibigan lang tingin m sken, kung hindi m sinabi yun nakatali parin ako sa illusyon ng nakalipas, SALAMAT ULIT!!!! bestfriend parin^___^

*Part 2: Unexpected Love and the True Love
(alam ko baduy ng post ko ngayon, pero walang pakialamanan trip ko to eh, tyaka ako lang din naman halos ang nagbabasa nito hahaha)

1 comment:

  1. haha natawa ako sa P.S. mo xD pero seriously speaking isang comment lang.. kaparehas din nyo palang mga lalaki kung mag isip kami xD
    =) you've done good naging totoo ka lang sa sarili mo that's admirable ;) minsan kasi obvious na pero pinipilit pa rin natin sa sarili natin yung pinaniniwalaan natin minsan kasi nakakalito din "love moves in mysterious ways" ka nga xD but that's normal.. natural na pag nagmahal ang isang tao (kahit pa nga napapagkamali natin minsan dun sa true real romantic love, dun sa ipapagkaloob satin talaga ni Bro) HOPE is always the last one to die xD

    ReplyDelete