Sa panahon ngayon lahat na yata ng bahay ay may computer (at lahat ng bata ay marunong magcomputer, parang ang mga baby yatang pinapanganak ngayon ang kadugtong na ng pusod ay kurdon ng computer), at kapag may computer syempre may internet (wla na yata ngayon na basta lang computer, parang kakabit na ng salitang computer ang internet). Dahil dito nauso na rin ang mga social-networking sites ko tulad ng Friendster, Myspace (teka buhay pa ba ang mga ito? kahit yata lola ko hindi na gumagamit nito), Twitter, Facebook, at Tumbler. Hindi ko gusto ang Twitter kasi prang chismisan lang nmn ang pinaggagawa dun. Sa Tumbler naman, ahh hindi ko alam ano to, ito ba yung nilalagyan ng inumin? bakit nasa internet? So alam nyo na ang ibig sabihin niyan, Facebook lang ang ginagamit ko (wag nyo ipagsasabi yan atin atin lang).
Usong uso ngayon ang Facebook, yung tipong kahit bagong kapapanganak pa lang may facebook account na pwede mo nang sendan ng friend request. Isa rin sa napansin ko ngayon lahat ng taong mag-iinternet facebook agad ang pupuntahan, magreresearch bukas ang facebook, manunuod sa youtube bukas ang facebook, maglalaro, bukas ang facebook at eto pa magfafacebook bukas ang facebook (JOKE po yun, sana may natawa). Anu nga ba talaga ang ginagawa sa Facebook at halos ng tao e adik na dito? Ito lang naman ang ginagawa ng ilang tao sa Facebook: sinisilip kung anung ginagawa ng mga kaybigan, tinititigan ang wall ng kung sino, at kung anu ano pa. Pero ang talagang ginagamit sa facebook ay ang Chat. Kung wala kasing chat ang Facebook katulad lang din siya ng Friendster (na ngayon ay kamuka na daw ng y8 kasi daw wla na masyadong gumagamit). Chatbox naman ang tawag sa bawat tab ng chat. Ang isa pang magandang feature ng Chat sa Facebook ay ang Goup chat, na kung saan makakachat mo ang lahat ng online sa group. Ang resulta: magulong chat, maingay na chat, at malokong chat. Masaya pa rin naman lalo na kpag napagtripan yung isa sa ka chat. Ito ang ilan sa mga chatters (mga taong nagchachat):
Epal na chatter - mga taong basta nalang sumasabat kapag may ibang bag-uusap, gusto lang nilang mapansin. ,
Flooder na chatter - isa rin sila sa mga epal na chatter, nagsesend sila ng sandamakmak na message pra lang mapansin.
XD chatter - sila yung laging XD lang ang tinatype.
???? chatter - tulad din ng mga XD ang kaibahan lang imbes na XD ???? ang tinatype.
Hahaha chatter - mga chatter na tagatawa lang sa grupo.
Emoticons na chatter - mga chatter na pinaglihi sa smiley face, sad face, happy face, etc. Lagi nilang nilalagyan ng emoticons ang kanilang pagchachat.
AP (Always Present) chatter - sila ung laging online.
Endangered chatter - tulad ng mga hayop na endangered, minsan mo lang din sila makikitang online.
OOTW (Out of this world) chatter - chatter na hindi maintidihan ang pinagsasabi.
Joker na chatter - mga laging nagjojoke, kahit minsan ay napaka walang kwenta ng joke.
Snob na chatter - sila yung tipong kahit yata i-pm (personal message) hindi magrereply.
Matinong chatter - wala yatang ganitong chatter.
Pagpasensyahan nyo na po kung walang kwenta ang post ko ngayon. Wla sa mood eh....
pagpasensyahan nyo na ang font naginagamit (medyo magulong font) yan kasi yung font na kamuka ng sulat ko....
ReplyDeletehaha ang daming tumama sakin sa chatters mo xD
ReplyDeletesame same fb lang din ginagamit ko (gawa pa sakin ng kaklase ko para daw may communication pa rin kami after h.s. graduation, in short napilitan lang ako nung unang mgfb haha) Tumbler? haha ang kala ko nuon tungkol s mga tumatambling o s tumb un at hanggang ngayon d q p din alam kung ano un..(masaya na ako sa fb) Twitter, tinesting kong gumawa ng isa dahil madaming ngpapafollow sakin at napagisipan kong pagbigyan sila since nacurious ako at dahil din pati lola, tita at professors ko meron na >.< at dun ko napagmunimuni na napag iiwanan ako ng "in" sa henerasyon xD sa huli ginive up ko na din dahil boring naman pla >:P