Pero anu nga ba ang nangyari sakin these few months? Syempre pumapasok sa school, at ang una kong ginagawa kapag pasukan ay ang mangalap ng info, makibagay sa mga kaklase, at gamayin ang mga instructor. Since, halos kalahati ng kaklase ko ay dati ko naring kaklase hindi na ako msyadong nahirapan makibagay. So, sa mga instructor nalang ang pinoproblema ko.
Para sa ibang taga nagbabasa nito (kung meron man bukod sakin) ang Instructor ay guro, professor, o basta nagtuturo (pero ang iba hindi naman talaga nagtuturo, tinatamad ata sila). Instructor ang tawag sa mga college teachers (maarte kasi ung iba, gusto nila na ipamuka sa mga estudyante na hindi sila basta basta, pero hindi naman lahat ganito may iba rin na mababait). Sa madaling sabi, sila yung mga nagpapahirap sa mga estudyante. Pero kelangan lang naman talaga ng mga estudyante na mahirapan para matuto... May mga instructor na ganito...
Types of Insturctor(professor, teacher, guro, master, sensei, etc.)
1. Berks Instructor - ito yung mga tipong parang kabarkada lang ng mga estudyante. Halos maliit lang kasi ang pagitan ng kanilang edad, kaya nasasakyan nila yung mga trip ng estudyante. Ang maganda sa ganitong instructor madaling nakakarequest sa kanila. Tulad ng early dismissal, 5mins break, saka nalang ang exam.
2. Pa-report Instructor - sila yung laging nagpapareport, yung tipong halos yung mga estudyante na ang nagtuturo. Tinatamad yata silang magturo.
3. Pa-example Instructor - sila yung sa bawat topic magtatawag ng estudyante para magbigay ng example sa nasabing topic.
4. Reading Instructor - hindi sila nagtuturo ng reading, pero parang ganun na rin ang ginagawa nila. Sila kasi yung binabasa lang yung lesson tpos konting example o trivia tpos tuloy na ulit sa pagbabasa. Prang sinasabi nila na "ito ang tamang pagbabasa pakinggan nyo ko".
5. Pa-problem set Instructor - karaniwan ang mga instructor na ganito sa mga mathematics at scinces na subject. Sila yung laging nagpapa-assignment (magkakasakit yata sila kapag hindi nakapag bigay ng assignment). Hindi rin nila alintana kung may ibang pang pinapapagawa ang iba pang insturctor sa ibang subject.
6. Father/Mother-like Instructor - sabi nga nila ang mga guro ang pangalawang magulang ng mga estudyante. Sila yung parang magulang, ginagabayan, inaalala, nagbibigay payo, at kung anu anu pang pag-aalaga.
7. Funny Instructor - sila mga masayahing instructor. Nagiging masaya at lively ang klase kapag sila ang nagtuturo, nagiging laughtrip kasi ang klase kapag sila ang nagtututro.
8. Pa-alis alis na Instructor - sila yung mga instructor na laging busy sa ibang gawain at hindi na halos makapagturo. Ang mga ganitong instrutor sy madalas na nagpapaseatwork para hindi mag-ingay at matuto parin ang mga estudyante kahit wla siya.
9. Striktong Instructor - sila rin yung tinuturing ng marami na "terror". Madalas silang mamuna ng kung anu anung bagay, madalas din silang magPower Trip sa mga estudyante.
At yan ang ilan sa mga instructor. Pero ito ang mga DAPAT TANDAAN:
Para sa mga Estudyante - kahit anu pang instructor yan tatandaan nyo nairespeto sila. Ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Para din naman sa inyo kaya gingawa nila ang kung anu mang ginagawa nila. Matuto kayong mag-aral. "walang mahirap na test kung nag-aral ka!" (pero kung hindi ka talaga nakapag-aral alam mo na ang gagawin mo, tamang diskarte lang yan "hindi bawal na manulad, siguraduhin mo lang na hindi ka papahuli"
Para sa mga Instructor - pagpasensyahan nyo na po kung mayroon man kayong hindi nagustuhan sa mga nilagay ko. Nirerespeto ko po kayo, Saludo po ako sa inyo sa walang sawang pagbibigay ng hindi lamang kaalaman kundi inspirasyon din.
been there
ReplyDeleteagree