Saturday, August 6, 2011

Mukang Libro at ang Usapang Kahon... (English subtitle: Facebook and the Chatbox...)

        Sa panahon ngayon lahat na yata ng bahay ay may computer (at lahat ng bata ay marunong magcomputer, parang ang mga baby yatang pinapanganak ngayon ang kadugtong na ng pusod ay kurdon ng computer), at kapag may computer syempre may internet (wla na yata ngayon na basta lang computer, parang kakabit na ng salitang computer ang internet). Dahil dito nauso na rin ang mga social-networking sites ko tulad ng Friendster, Myspace (teka buhay pa ba ang mga ito? kahit yata lola ko hindi na gumagamit nito), Twitter, Facebook, at Tumbler. Hindi  ko gusto ang Twitter kasi prang chismisan lang nmn ang pinaggagawa dun. Sa Tumbler naman, ahh hindi ko alam ano to, ito ba yung nilalagyan ng inumin? bakit nasa internet? So alam nyo na ang ibig sabihin niyan, Facebook lang ang ginagamit ko (wag nyo ipagsasabi yan atin atin lang).
          Usong uso ngayon ang Facebook, yung tipong kahit bagong kapapanganak pa lang may facebook account na pwede mo nang sendan ng friend request. Isa rin sa napansin ko ngayon lahat ng taong mag-iinternet facebook agad ang pupuntahan, magreresearch bukas ang facebook, manunuod sa youtube bukas ang facebook, maglalaro, bukas ang facebook at eto pa magfafacebook bukas ang facebook (JOKE po yun, sana may natawa). Anu nga ba talaga ang ginagawa sa Facebook at halos ng tao e adik na dito? Ito lang naman ang ginagawa ng ilang tao sa Facebook: sinisilip kung anung ginagawa ng mga kaybigan, tinititigan ang wall ng kung sino, at kung anu ano pa. Pero ang talagang ginagamit sa facebook ay ang Chat. Kung wala kasing chat ang Facebook katulad lang din siya ng Friendster (na ngayon ay kamuka na daw ng y8 kasi daw wla na masyadong gumagamit). Chatbox naman ang tawag sa bawat tab ng chat. Ang isa pang magandang feature ng Chat sa Facebook ay ang Goup chat, na kung saan makakachat mo ang lahat ng online sa group. Ang resulta: magulong chat, maingay na chat, at malokong chat. Masaya pa rin naman lalo na kpag napagtripan yung isa sa ka chat. Ito ang ilan sa mga chatters (mga taong nagchachat):
             Epal na chatter - mga taong basta nalang sumasabat kapag may ibang bag-uusap, gusto lang nilang mapansin. ,
             Flooder na chatter - isa rin sila sa mga epal na chatter, nagsesend sila ng sandamakmak na message pra lang mapansin.
             XD chatter - sila yung laging XD lang ang tinatype.
             ???? chatter - tulad din ng mga XD ang kaibahan lang imbes na XD ???? ang tinatype.
             Hahaha chatter - mga chatter na tagatawa lang sa grupo.
             Emoticons na chatter - mga chatter na pinaglihi sa smiley face, sad face, happy face, etc. Lagi nilang nilalagyan ng emoticons ang kanilang pagchachat.
             AP (Always Present) chatter - sila ung laging online.
             Endangered chatter - tulad ng mga hayop na endangered, minsan mo lang din sila makikitang online.
             OOTW (Out of this world) chatter - chatter na hindi maintidihan ang pinagsasabi.
             Joker na chatter - mga laging nagjojoke, kahit minsan ay napaka walang kwenta ng joke.
             Snob na chatter - sila yung tipong kahit yata i-pm (personal message) hindi magrereply.
             Matinong chatter - wala yatang ganitong chatter.
            

         Pagpasensyahan nyo na po kung walang kwenta ang post ko ngayon. Wla sa mood eh....
       

Friday, August 5, 2011

Instructors....

   Pero anu nga ba ang nangyari sakin these few months? Syempre pumapasok sa school, at ang una kong ginagawa kapag pasukan ay ang mangalap ng info, makibagay sa mga kaklase, at gamayin ang mga instructor. Since, halos kalahati ng kaklase ko ay dati ko naring kaklase hindi na ako msyadong nahirapan makibagay. So, sa mga instructor nalang ang pinoproblema ko.
   Para sa ibang taga nagbabasa nito (kung meron man bukod sakin) ang Instructor ay guro, professor, o basta nagtuturo (pero ang iba hindi naman talaga nagtuturo, tinatamad ata sila). Instructor ang tawag sa mga college teachers (maarte kasi ung iba, gusto nila na ipamuka sa mga estudyante na hindi sila basta basta, pero hindi naman lahat ganito may iba rin na mababait). Sa madaling sabi, sila yung mga nagpapahirap sa mga estudyante. Pero kelangan lang naman talaga ng mga estudyante na mahirapan para matuto...  May mga  instructor na ganito...

          Types of Insturctor(professor, teacher, guro, master, sensei, etc.)
              1. Berks Instructor - ito yung mga tipong parang kabarkada lang ng mga estudyante. Halos maliit lang kasi ang pagitan ng kanilang edad, kaya nasasakyan nila yung mga trip ng estudyante. Ang maganda sa ganitong instructor madaling nakakarequest sa kanila. Tulad ng early dismissal, 5mins break, saka nalang ang exam.
               2. Pa-report Instructor - sila yung laging nagpapareport, yung tipong halos yung mga estudyante na ang nagtuturo. Tinatamad yata silang magturo.
               3. Pa-example Instructor - sila yung sa bawat topic magtatawag ng estudyante para magbigay ng example sa nasabing topic.
              4. Reading Instructor - hindi sila nagtuturo ng reading, pero parang ganun na rin ang ginagawa nila. Sila kasi yung binabasa lang yung lesson tpos konting example o trivia tpos tuloy na ulit sa pagbabasa. Prang sinasabi nila na "ito ang tamang pagbabasa pakinggan nyo ko".
              5. Pa-problem set Instructor - karaniwan ang mga instructor na ganito sa mga mathematics at scinces na subject. Sila yung laging nagpapa-assignment (magkakasakit yata sila kapag hindi nakapag bigay ng assignment). Hindi rin nila alintana kung may ibang pang pinapapagawa ang iba pang insturctor sa ibang subject.
              6. Father/Mother-like Instructor - sabi nga nila ang mga guro ang pangalawang magulang ng mga estudyante. Sila yung parang magulang, ginagabayan, inaalala, nagbibigay payo, at kung anu anu pang pag-aalaga.
              7. Funny Instructor - sila mga masayahing instructor. Nagiging masaya at lively ang klase kapag sila ang nagtuturo, nagiging laughtrip kasi ang klase kapag sila ang nagtututro.
              8. Pa-alis alis na Instructor - sila yung mga instructor na laging busy sa ibang gawain at hindi na halos makapagturo. Ang mga ganitong instrutor sy madalas na nagpapaseatwork para hindi mag-ingay at matuto parin ang mga estudyante kahit wla siya.
              9. Striktong Instructor - sila rin yung tinuturing ng marami na "terror". Madalas silang mamuna ng kung anu anung bagay, madalas din silang magPower Trip sa mga estudyante.
   
      At yan ang ilan sa mga instructor. Pero ito ang mga DAPAT TANDAAN:
                   Para sa mga Estudyante - kahit anu pang instructor yan tatandaan nyo nairespeto sila. Ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Para din naman sa inyo kaya gingawa nila ang kung anu mang ginagawa nila. Matuto kayong mag-aral. "walang mahirap na test kung nag-aral ka!" (pero kung hindi ka talaga nakapag-aral alam mo na ang gagawin mo, tamang diskarte lang yan "hindi bawal na manulad, siguraduhin mo lang na hindi ka papahuli"
                   Para sa mga Instructor -  pagpasensyahan nyo na po kung mayroon man kayong hindi nagustuhan sa mga nilagay ko. Nirerespeto ko po kayo, Saludo po ako sa inyo sa walang sawang pagbibigay ng hindi lamang kaalaman kundi inspirasyon din.

The return of The comeback...

    Muli akoy nagbabalik matapos ang mahabang panahon na hindi pag-uupdate ng blog. Masyado kasing madaming ginagawa sa skull(school). maraming mga dapat gawin, maraming dapat aralin, maraming kelangang tapusin, at mga instructor na dapat kilalanin. Isa ding dahilan sa matagal kong pagtigil sa blogging ay ang pagkawala ng interest dito, yung prang wala ka nang dahilan para magblog.Kung kelan ako nagkaLoptap saka naman ako tinamad magBlog.