Ang post na ito ay gawa ng aking mabait na senior, bob ong fanatic din sya... ang obra nyang ito ay pinamagatang "IPIS AT DAGA".
pasado alas sais y’ media na ng akoy magising..kung
ikukumpara ko ang araw na ito sa nakaraan ay talagang ibang iba..ikaw ba
naman ang gumising sa umaga ng punong puno ng panis na laway ang bibig .
nakakahiya man ang dahilan kung bakit ito nangyari ay itoy dahil sa
isang rason.kagabi.saktong isusubo ko na ang aking toothbrush (di ko
alam ang tagalong) na nilalahidan na ng toothpaste (ito ang mas mahirap
tagalugin) ay may naamoy akong kakaiba..amoy ipis..babalewalain ko man
ang aking naamoy ,(gaya ng lagi kong ginagawa) kaso di ko na kaya pang
ipilit na ipang kaskas ito sa aking ngipin ..bukod ata sa dinapuan ito
ng isang batalyon ng nagwewelgang ipis ay dito na rin ata nila napiling
maglabas ng sama na loob..oo !! tama..dito sila TUMAE..oo kulay itim na
likido na kahit ata ipa DNA test mo kung kanino e isa lang ang
ituturo.ang mga pesteng ipis ! ewan ko ba kung bakit nila ginawa ito sa
isang katulad ko..wala naman akong ginagawang masama sa kanila..mabait
ako sa mga ipis..ako nga ang takot sa kanila lalo na tuwing gabi pag
bigla na lang silang gumagapang sa paa ko habang jumijinggle ako..oo
aaminin ko na..(di naman nababasa ito ng aking ina) sa tuwing umiihi ako
at ginagapangan ng ipis sa paa ay bigla akong nagugulat at nawawala sa
konsentrasyon at sumasala sa inyodorong kulay pink namin ang aking
ihi..kaya tuloy sa umaga ay parang interrogation sa isang presinto kung
paaminin ng aking ina ang maysala ng krimen na iyon..
bakit
ba kasi ipis ?? kung yung mga daga pa ang lumapastangan ng kulay berde
kong springmaid na toothbrush e mas maiintindihan ko..bakit? kasi malaki
ang kasalanan ko sa angkan nila..sa tuwing gabi kasi na nagkakaluskusan
ang aming basurahang nakasabit sa may bodega ay binibigyan ako nito ng
senyales na isang grupo na naman ng mga daga ang nagkakalkal ng mga
basura namin at pinipili ang mapapakinabangan pa nila .. tapos sila
sakin..kung mabilis silang tumakbo..mas mabilis ang kamay ko..habang
abalang abala sila sa pagsimot sa mga pagkaing natira sa loob ng
basurahan..eto ako..handang handang dakmain ang plastic bag na basurahan
at dagling isinasara ito para wala na silang kawala..tapos ang
laban..ako ang nagwagi..pero di pa natatapos ang kalbaryo nila
doon..(patawarin sana ako ng mga grupo ng mga indibidwal na nangangalaga
sa karapatang panghayop) matapos kong mahuli ang mga pasaway na daga ay
dadalahin ko na sila sa lugar na paglilibingan nila este paglulunuran
nila..sa toilet bowl..kung akala nila sa pagbukas ng pagkakasara ng
plastic bag ay makakawala na sila ay nagkakamali
sila..(BWAHAHAHAHA..tawa ng demonyong sumasapi sa akin) kita ko sa mga
daga ang ngiti sa kanilang mga labi habang dali daling lumalabas ng
plastic ang bawat isa..NAISAHAN KO SILA..pagtalon nila..shoot na shoot
sila sa toilet bowl namin.(with flush) kawawang mga daga..instant paligo
sila..(napaisip tuloy ako.naliligo kaya ang mga daga ?) ang cute pala
nilang lumangoy..kung may langoy asong tinatawag..tingin ko dapat ding
bigyang pansin ang istilo ng paglangoy ng mga ito at mailagay o maisama
sa mga uri ng langoy na nasusulat sa mga PE books..
siguro
kung mababasa nyo ito ay maiisip nyong sinapian ako ni TOM..yung pusang
humahabol kay jerry palagi sa isang cartoon..madami rin kasi akong
gimik na ginagawa sa mga ito..nariyan na ang pagbuhos ko sa kanila ng
muriatic acid sa mukha nila habang patuloy silang humihingi ng tulong sa
mga kapamilya nilang dagang nagkukuta sa aming bodega..nakakatuwang
pagmasdan ang mga daga habang kinukusot nila ang mga mata nilang
napatakan ng muriatic acid .. gusto mo bang maramdaman ang nararamdaman
nila..kumuha ka lang ng muriatic acid at gawin itong eye drops..nung
nakaraang araw ng mga patay..habang abala ang mga pesteng bata sa
pangangaluluwa ay andun ako sa aming banyo..nakikipagtuos sa isang daga
nahuli ko..hinahamon ako ng dagang iyon..mukhang nakapag drugs kasi
..ang likot..ang kulit..di ko alam kung natutuwa ba siya o
nagmamakaawang di na sya muling magpapahuli sa aking nagkakalkal ng
kaldero namin..pakawalan ko lang siya..gamit ang isang kandilang puti
ay pinatuluan ko siya ng kandila..syempre inuna ko ang ulo nya..ayus
ah..parang nagtatawas lang ako sa ginagawa ko..masaya pala..kapag
nagsasawa na ako sa piling ng mga basang basang daga ay ginagawa ko na
ang huling hatol sa kanila..ang pag paFLUSH ko sa kanila..oo makikita mo
silang unti unting nilalamon ng toilet bowl.. siguro sa bahay naming
ito yung lugar na kinatatakutan nila..bukod sa ditto na sila mamamatay
ay maililibing sila ditto kasama ang mga halimaw na bagay mula sa
katawan ng taong lumalabas sap wet mo..pwet ko..pwet nating lahat..kaawa
awang mga daga..ganyan talaga ang buhay..survival of the fittest lang
yan.matira matibay.(SHET..di pa nga ako natatapos magkwento ng tungkol
sa mga pesteng mga daga ay may isang pasaway na naming gusting
makipaghabulan sakin..pasalamat sya wala ako sa mood habulin siya)..
marami
ng mga hayop sa mundo ang nanganganib ng maubos at mawala..pero sa
tingin ko naman e di kabilang sa listahan ng mga ito ang mga dagang
hinuhuli ko..peste kung ituring nga sila ng mga tao e kaya kung mababasa
ito ng mga tulad kong addict at past time ang panghuhuli ng daga ay
sasabihin nilang tama ang ginagawa ko at tuturuan pa nila ako ng
makabagong paraan sa panghuhuli ng mga ito..di ako galit sa
daga..(WEEEEE??? MARAHIL ITO ANG SASABIHIN NYO) nung bata nga ako e may
alaga akong daga..pinangalanan ko pa itong brownie..kasi kulay brown
siya..yun lang ang rason..nabili ko sya nung fiesta dito samin..bente
pesos ata ang bili ko sa kanya nung mga panahong iyon..ang daming
pinagbibiling mga daga nuon..di ko alam kung bakit ba kulay brown ang
napili ko at di kulay puti..sigruo para mas madali ko siyang makilala
pag sinubukan nyang tumakas at sumama sa mga pesteng daga sa aming
bodega..(challenge:bilangin ang salitang bodega sa mga nadaanang
pangugusap..pag tama ang iyong nabilan e ibis sabihin di lugi sa
pagpapaaral ang mga magulang mo sayo nung bata ka pa ) inabot ata ng 5
buwan ang itinagal ni brownie..sa loob ng 5 buwan ay madami kaming
pinagsamahan..nariyan na ang paglalagay ko sa kanya sa spinner(yung
patuyuan ng damit) .. nakakatawa kasi paglabas nya e hilong hilo siya at
halos gumulong na siya sa hilo..(uy..gusto mong itry nyo..kung ayaw
mong mag antay ng fiesta para makabili ng daga para paglaruan e tawagan
mo ako sa 09152358437 para maturuuan kita ng mabisang paraan para
makahuli ng isa) mabait akong amo kay brownie..ginawan ko nga sya ng
bahay mula sa kahon ng sapatos..take note..kahit mag isa sya e
double-decker ang kama nya..di rin sya nauubusan ng pagkain at tubig na
halos itinatapon nya lang pag trip nya..ang ayaw ko lang sa daga e ang
amoy nito..ang baho baho..gusto ko sanang isama ito sa nilalabhan namin
sa washing machine kaso baka kumapit lang ang amoy nya sa mga damit
naming..laya ayun..tiis tiis na lang ..basta may mapag laruan lang..
nakakita
ka na ba ng dumi (tae) ng daga??..kung ikukumpara sa tae ng ipis na
nakita ko sa toothbrush ko e mas maayos ang itsura ng tae ng daga..para
nga siyang chocolate sprinkles..siguro kung iyon ang nakita ko sa tooth
brush ko kagabi e ginamit ko na ito at di na napuno ng panis na laway
ang bibig ko pag gising kaninang umaga..cute ang tae ng daga..kasing
cute nila..
the end ..(para sa mga daga)
NGA PALA .. yung toothbrush kong green na spring maid na tinaehan ng
daga..ayun itinapon ko na sa basurahang paboritong tambayan ng mga
pesteng daga !!Muli ang obrang ito ay hindi ko ginawa, pinost ko lang kasi maganda ^____________^