Kelangan ko itong habaan din, baka magselos si "Ci" mahaba kasi yung part 1 na tungkol kay pusa. Itong post na ito ay tungkol naman kay "Ci" (sana mapahaba ko itong post na to).
Teka sino nga ba si Ci? Actually nakasama na sya sa isang post ko dito yung mga trip ko sa classroom, isa sya sa mga pinagtitripan ko noon. At para masmakilala pa natin sya...
Simulan natin ang kwentong ito noong 1st 2nd sem ngayong college. Naging kaklase ko sya noong 1st yr 2nd sem, medyo bagong mga kaklase edi mag-isa pa ako nun, si Ci yung katabi ko noon kasi naman wala na akong maupuan na malapit sa mga kakilala kong kaklase. (pero pasalamat narin ako at naging katabi ko sya, kahit na halos parang tinotorture nya ako sa pangingiliti sakin ^____^) Nitong mga panahon na to prang normal na kaklase palang ang tingin ko sa kanya, Syempre bagong kaklase eh. Siya yung madalas kong kausap noon (kasi naman yung isa kong katabi, kakilala ko nga noon pa lagi namang tulog) . Tapos nitong mga panahong ding ito iba pa yung nalilink sakin pero hindi na mahalaga yun. Tapos natapos na yung 1st yr 2nd sem, pero hindi pa dun nagtatapos ang kwento namin ni Ci.
2nd yr. 1st sem dito na nagsimula yung kakaibang pakiramdam ko, iba na yung pakiramdam ko sa kanya, pero iniisip ko baka naman hindi totoo. Kaya tinago ko nalang, sabi nga ng kaklase ko galing ko daw matago ng nararamdaman, (Great Pretender). Kasi naman si pusa pa ang nasaisip ko pero si Ci unti unti nang pumapasok sa puso ko, pero tago parin ng nararamdaman. Naging class president sya, mahigpit sa pamamalakad ng kanyang nasasakupan, ayos lang naman yun ganon kasi dapat ang president. Noong mga panahon na ito madalas kaming nakaonline parin sa facebook kahit na malalim na ang gabi, nagoout na yata kami ng 12-1am, kaya Nocturnal ang tawag namin sa amin (madami kaming ganito mga 3-4). Ang mga napapag-usapan madalas ay tungkol sa lovelife, si Ci yung nagsilbing doctor love yta dati, sa kanya ako humihingi ng payo, mga dapat kong gawin, mga bagay bagay tungkol sa love, pag-aaral at sa kung ano ano pa. Ayon kya lalo akong nahulog sa kanya, kaya siguro napaisip narin ako nitong mga panahong ito kung si Pusa ba talaga ang mahal ko. Natapos na ang 2nd yr. 1st sem at tulad ng dati swerteng nakapasa ulit ako.
Ngayon 2nd yr. 2nd sem, malapit na kaming makaalis mula sa pagiging General patungo sa tunay na Major. Nagpatuloy ang kwento namin ni Ci. Noong January ang b-day ni pusa, ed magreregalo ako, eh hindi ko alam ang ireregalo, si Ci yung kasama ko pagbili ng regalo. (tanda ko pa yung sinabi nya noon pagbili ko ng regalo, Ci: naku kapag ako ang binigyan ng ganyang regalo, hindi ganun ang mismong sinabi nya o guniguni ko lang na sinabi nya yun)(Hi Ci, alam kong babasahin mo to, sa oras na binabasa mo to..... tapos ko nang itype ito hehehe ^__________^). Ayun na ngahanggang sa pagbibigay ko ng regalo nagsusuggestsya kung pano, tpos sa mismong araw ng b-day ni pusa katxt ko parin sya, siguro kung hindi ko sya katxt hindi ko na kinaya (salamat Ci), talagang sinusubaybayan nya yung story namin ni pusa, hindi nya alam may gusto ako sa kanya. Then dumating yung time na na friendzoned na nga ako ni pusa, si Ci nandyan para damayan ako (salamat ulit Ci). Ang malaki ko lang pagkakamali nabura ko yung mga notes na nilagay nya sa cellphone ko para icomfort ako (pinagsisihan ko talga yun :( ) nagtampo sya nun. Si Ci din yung dahilan kng bakit hindi ako masyadong nasaktan nung nafriendzoned ako ni pusa. Tapos narealized ko hindi ko na kailangang itago yung nararamdaman ko kay Ci, pero kung sasabihin ko sa kanya baka hindi sya maniwala baka isipin nya rebound lang sya, kakafriendzone palang kasi ni pusa sakin nun. Pero naiisip ko pano ko papatunayan na mahal ko sya kung hindi ako aamin, papatunayan ko nalang sa kanya na hindi sya rebound at mahal na mahal ko sya. Edi sya nga yung madalas ko nang kasama noong mga nakaraang araw, then isang araw natripan naming manuod ng sine kasama yung isa naming kaklase. (Jack and Jill yung movie) katabi ko sya sa sinehan naisip ko tuloy ito pala ang feeling ng kasama mong manuod ng sine yung taong mahal mo at katabi mo pa (sobrang saya ko). Pagkatapos namin manuod humiwalay na yung isa naming kasama, tapos ako bumili pa ako ng keyboard si Ci naman sinamahan ako sa pagbili, sinamahan nya talaga ako kahit na matagal bumili kasi madaming customer (sa CD-R king kami bumil, mura dun eh, naalala kotuloy yung CD-R king's marinated bangus hahaha) (Hi ulit Ci alamkong binabasa mo to) ayun na nga kasama ko sya sa pagbili, para naman hindi sya masyadong mainip nagkwekwento ako. Natapos na kaming makabili eh nagutom na ako, niyaya ko sya kumain muna bago umalis, punta kaming Mcdo, kami lang dalawa, tapos nakita namin dun yung kasama naming isang kaklase dun din kumain pero sa ibang table, kami lang dalawa sa isang table tamang kwentuhan lang tungkol sa mga pamilya, kaklase, at mga past love life. Ito yung moment na parang sa inyo lang dlawa umiikot yung mundo yung tipong hindi ko na namamalayan na madilim na pala sa labas at halos 7pm na. Ang sarap nyang kakwentuhan. Then nagkatxt nmn kami, paunti unti akong nadiskarte. Tinanong ko sya kung anong tingin nya sa Friends with benefits (benefits of Bf/Gf, hnd yung sa movie na Friends with benefits, baka kasi may mga ibang taong madumi yung utak na iba agad yung iniisip) Tpos jinoke ko sya kung kami nalang kaya (joke pero may halong katotohanan) sagot nya oo pero gusto parin nyang maranasan yung ligawan ko sya kung pano daw ako manligaw (oo yung sagot nya kasi akala nga nya joke un hahaha). Hindi muna ako nagtxt, tapos nagmessage ako sa kanya ng "Only in the darkness you can see how beautiful your stars are". Ipinaliwanag ko sa kanya kung anong ibig sabihin nun (sa mga ganitong pagkakataon ko narerealize na mahal pla talaga kita, parang ganyan kung pagkakapaliwanag ko hindi ko na masyadong matandaan eh, ang importante naamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko) (Hi Ci, I LOVE YOU) syempre hindi sya makapaniwala na mahal ko nga sya, baka daw dala lang nung pagkakafriendzone sakin ni pusa, baka daw maging rebound lang sya. Sabi ko papatunayan ko na mahal ko sy syempre pinatunayan ko talaga (buti nalang hindi nag-iba yung pakikihalubilo nya sakin nung pasukan) Medyo naniwala na sya na hindi sya rebound, , ang problema eh madami rin nga palang nagkakagusto kay Ci (dami kong karibal) edi bago manligaw kelangan ko muna iprepare ang lahat bago ako manligaw (ayaw ko din namang mgakagulo sa room dahil dun, lalong ayaw din yun ni Ci). So kinausap ko muna yung mg nagkakagusto sa kanya, 2 na yung nakausap ko 1 nalang. Isa pang problema ay yung mga kaibigan nya, syempre hindi din maniniwala yung mga yun, ayaw nilang masaktan yung kaibigan nila, sabi ko kay Ci ako na ang bahala sa mga yun.
Eto na.... Kinabukasana wala yung isa naming prof. tamang tama magagawa ko na, kinausap ko yung dalawa kong kaklase na magbantay sa labas para kung sakaling pumunta yung prof. namin. Eto na talga.... tumayo ako sa unahan....
Ako: Anouncement! Anouncement! maari bang tumahimik muna kayo?! may sasabihin lang ako! mamaribang ako muna yung magsasalita wala munang side comment?! Una may itatanong lang ako! Sino pa dito ang may gusto kay Ci?! M.A.R. alam kong may gusto ka kay Ci pero nagkataong may gusto rin ako sa kanya, magpapaalam lang ako kung pwede ko syang ligawan, tol walang samaan ng loob ha! Isa pa sa mga nagsasabi na rebound ko lang si Ci, sinasabi ko sa inyo hindi sya rebound, hindi naging rebound at hindi kaylanman magiging rebound! Hindi man ako gwapo ito lang ang sinusigurado ko hindi ko sya niloloko. Hihiramin ko muna ang style ni sir A. Mahal ko si Ci!, Mahal ko si Ci!, Mahal ko si Ci!, at kahit ulit ulitin Mahal ko si Ci! ayan lamang po maraming salamat.. (impromptu yan)
Lumabas sya pagkatapos akala ko hindi nya nagustuhan, yung iba ko namang mga kaklase kilig yung iba nagsabi sakin (ang lupit mo pre, hindi ko kaya yun) yung ibang kumamay. Iba yung pakiramdam matapos kong gawin yun. Sobrang saya. Tapos bumalik na sya hindi daw nya inaasahan na gagawin ko yun (so I guess ayos lang sa kanya yung ginawa ko ^_____^ Hi Ci kung binabasa mo to I LOVE YOU) then dun nanagsimula yung panliligaw ko, then after a few days/weeks. Nagsabi na rin sya ng I love you sakin, Sobrang saya ko nung nabasa ko yung txt yta yun o chat (magkachat at magktxt kasi kami nun). Pero hindi pa kami, mahal namin ang isa't isa pero hindi pa kami, (Illegally yours hahaha) bawal pa kasi syang magboyfriend hanggat hindi pa graduate, pero kung malalaman ng magulang nya handa naman akong kausapin sila at patunayan na mahal na mahal ko sya at wala akong masamang intensyon sa kanya, at makakapagkatiwalaan nila ako, hindi man ako gwapo mapagkakatiwalaan naman nila ako. (Hi Ci, tandaan mo iintayin kita)
At ngayon halos huling araw na ng pagpasok as 2nd yr. matagal na ulit bago kami magkita, niyakap ko na sya ng sobrang higpit sabi ko ihug nya rin ako sabi nya kiss nalang matagal din kasi kami bago ulit magkita (kiss sa cheeks) again hindiko na ulit maipaliwanag ang kaligayahan ko, tpos ako naman ang nagkiss sakanya (kiss sa cheeks) WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO I LOVE YOU Ci!!!!! tpos ngtxt sya, yung kiss daw ay gift na nya sken sa b-day ko, (4 days nalang kasi bago ang b-day ko at baka hindi kami magkita sa b-day ko) I LOVE YOU Ci salamat sa gift mo, hindi ko talaga malilimutan ang gift m sken, the best na gift!
P.S.
nagtataka kayo kung bakit "Ci", Bi kasi ang tawag nya sken, Teddy bear daw kay Bi. Ci naman yung sa kanya kasi Ci for Cute, cute nya kasi at maganda pa, matalino, kahit na medyo brutal, huggable parin. I LOVE YOU Ci, maghihintay ako sayo...
Wednesday, March 28, 2012
Monday, March 26, 2012
Unexpected Love and the Time
Eto na muli ako, syempre bakasyon na wala nang masyadong iisipin (sana nga lang pasado sa lahat ng subjects). Medyo nawalan ako ng oras para magblog eh, daming kelangan asikasuhin sa pag-aaral.
Ang Blog post na ito ay tungkol sa Love story ng buhay ko. Hindi ko alam kung dapat ko itong i-post kasi nga mga trip lang ang mga nandito sa blog kong ito, pero itong post ko ngayon ay hindi trip, kasi ang Love ay kaylanman hindi naging at dapat maging trip. Ito muna yung part 1 pinamagatang "Unexpected Love and the Time"
Sisimulan ko ito sa Puppy love/1st Love o kung anu mang tawag dito. Pangalanan nalang natin sayang "Pusa" mahilig sya sa pusa eh. Siya yung 1st Love ko, Bestfriend ko nung elementary. Nung naghigh school kami magkaiba kami ng pinasukang school. Pero yung bahay namin magkalapit lang mga 100 steps siguro yun. Minsan nagkakasabay kami sa sakayan. Tpos dati uso pa yung Fiendster ( meron pa kayang gumagamit nito?), sa friendster dati kami nagkakausap. Tpos yung Facebook naman ang nauso, syempre dun kami nagchachat (kung ano yung uso yun ang ginagamit).
Noong High school ako medyo nagkakagusto din naman ako sa ibang babae syempre tao din naman ako, pero masasabi kong yung tipong crush lang. Ang nasaisip ko kasi dati si Pusa yung mahal ko kaya hindi ko masyadong pinapansin yung iba. Pero dumating yung oras na nagkagusto ako dun sa isang babae itago nalang natin sya sa pangalang "L". Noon kasi nabasa ko yung quotation ni sensei Bob Ong na "Kung magmamahal ka ng dalawa piliin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng dalawa kung mahal mo yung una". Kaya yun tinesting kong ligawan si "L" pero busted hahaha. Sinabi ko sa sarili ko baka nga si Pusa ang para saken. Then may iba din namang babae nagkagusto sken (hindi sa makapal ang muka ko, based on my intuition lang ^___^) pero hindi ko na pinapansin, kasi nga ang nasaisip ko tlga eh si Pusa.
College na, parehas kami ng kinuhang course ni Pusa pero hindi kami naging magkaklase (hindi ko na ilalagay dito u=yung mga dahilan kung baki, baka kasi maging nobela na to kapag ipinaliwanag ko pa ang lahat ng mga nangyayare), panggabi yung sched nya pang tanghali naman ako. Sa ROTC nagkikita kami, pero napaka dalang. Nung nagsecond semester nagkaproblema yata sya sa grades ako naman sinuwerteng makapasa, tumigil sya ng isang sem ako tuloy parin. Tpos natapos yung second sem sinuwerte ulit akong makapasa. Tuloy na tayo ngayon sa 2nd yr, ito yung mga taong nagiging 18 na yung mga kabatch m, syempre importante to sa mga babae (Debut nila). Ito na yung pagkakataon ng mga lalake na magbigay ng regalo sa mga kaibigan/gusto nilang babae, kuripot ako kaya dun lang sa gusto ko (hindi naman talga ako kuripot, wala lang talagang pera). Ikaw ba naman ang may baon na 100 pesos sa isang araw, 40 pesos para sa pamasahe minsan nagiging 54 kapag sosyalin ang kakainan, edi may 46-60 peos para pagkain, kung kakain ako 45-75 pesos din un edi lugi pa ako sa baon kya minsan dun nalang ako sa 45 pesos at madalas hindi na ako kumakain (kung mababasa siguro to ni Pusa maawa yun, kasi yung mga kaklase ko awang awa na sken eh, ang martir/dakila/ pahirap sa sarili ko daw). Kung kakain pa kasi ako hindi ako makakapag-ipon na malaking pera (wala kasi akong maisip na ireregalo, 1st time ko kasing magbibigay ng regalo sa kanya, tpos hindi ko pa alam mga trip nya). Dahil nga sa hindi ko pagkain ng lunch ng 3-4 months nakaipon ako ng 3500 pesos (yehey, dami ko nang pera!) maliit lang baon ko eh kya maliit lang din ang maiipon ko, tpos nagpasama ako sa kaklase ko pra bumili ng regalo, binili ko ay isang 2,500 na relo yun nalang niregalo ko. (sana hindi ito mabasa ng nanay ko, pagnalaman nun ang pinaggagawa ko, x_x dedz). Inimbitahan nga din pala ako ni Pusa sa B-day celebration nya "overnight" 2 days bago ang mismong b-day nya (tama ba 2 days?). Halos 24 hours sa resort, dito ako unang nag-inom, ikaw ba naman ang alukin ng mga kapatid nya syempre iinom ka, kami nalang 2 yung natira dun, ung iba tulog na yung iba nasa kabilang cottage. Pra akong sirang plaka nun ako lang kwento ng kwento, hindi ko din naman alam kung nakikinig sya, siguro naman. (dapat i-boblog ko yung mga nagyare nun, pero tinamad na ako). Tapos noong mismong B-day nya nagising ako ng maaga, (nakauwi na kami ng mga araw na ito) sila tulog pa. Ito na yung mismong araw ng B-day nya, nagjogging ako hanggang palengke, bili ng 3 rose (kasi yung lang halos kaya ng perang dala ko) tpos jogging ulit papunta sa bahay nila (wala paring gising) iniwan ko nalang sa loob ng gate (buti nalang walang aso) tpos may note na "Happy 18th Birthday" ulit.
Pagkatapos nun manliligaw na sana talaga ako, dadaan ako sa Gym kasi PE nila hindi ko naman sya makita, ayung kya hindi ako nakapanligaw talaga. Then nagkatxt ulit kami (Oo, nagkakatxt kami, malimit nga lang) medyo txt txt tpos ayun sinabi na nya sa txt na friend nga lang tinging nya sken (Firendzoned!!!). Pero hindi ako masyadong naapektohan, kasi naman noong mga nakaraang araw bago pa nya ipaalam saken yun, napapaisip na ako kung sya ba talaga, lalo na nung pagkagaling ko sa fiestahan sa kaklase ko, yung tipong wala ka na talgang nararamdam kundi kaibigan lang talaga kya hindi ako masyadong naapektohan. Buti nalang sinabi nya yun, dahil dun narealize ko na Tinali ko ang sarili ko sa Ilusyon ng nakalipas. 1st love ko nga lang tlga sya. Pero syempre kaibigan ko parin sya. Kaya Pusa ito ang mensahe ko sayo, Hindi ko sinusumbat sayo ang mga ginawa ko para sayo, ginawa ko yun para sa sarili ko, ako ang may gusto na gawin ko yan ^______^ at salamat at sinabi mo na magkaibigan lang tingin m sken, kung hindi m sinabi yun nakatali parin ako sa illusyon ng nakalipas, SALAMAT ULIT!!!! bestfriend parin^___^
*Part 2: Unexpected Love and the True Love
(alam ko baduy ng post ko ngayon, pero walang pakialamanan trip ko to eh, tyaka ako lang din naman halos ang nagbabasa nito hahaha)

Subscribe to:
Posts (Atom)