Ngayon, tuluyan nang natapos ang isang napakahabang panaginip. Isang panaginip na mahirap kalimutan pero kelangan, kelangan para makapagsimula muli. Ang tinutukoy ko ay ang pagmamahal, siguro kelangan ko lang tlga mailabas to para matahimik na ang isip at puso ko, nagkaroon ng napakalaking galit sa puso ko kaya siguro nasabi ko rin ang masasakit na salita sa kanya, gustohin ko man humingi ng tawad, wala na, huli na ang lahat, nangyare na. Naniniwala tayo na wala tayong kasalanan, pero hindi talaga maiiwasan. Naiisip ko, siguro hindi talaga tayo. Ako ay isang Tubig, ikaw naman ay Apoy, kahit gano pa ako kaversatile hindi talaga tutugma, nagkakasakitan lang tayo. Sinubukan natin, pero wala talaga.
Noon akala ko wala na tong katapusan, yung hangang sa huli ikaw. Pero sabi mo nga nagbabago ang mga tao. Nalabas ko na sayo ang mga hinanaing ko at mukang napasobra pa. Humihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko, dala lang talaga ng sobrang galit. Mahal pa rin kita, pero hindi na dapat. Malaya ka na, malaya na sa pagmamahal ko. Sana maging masaya ka na. Hindi man maging tulad ng dati na magkaibigan, ayos lang, ganito talaga e, wala nang magagawa. Hangad ko ang kasiyahan mo, hangang sa huli mahal pa rin talaga kita, hayaan mo makakapag-move on din ako.
Ngayon muli na ulit akong nakakangiti, unti unti nang nawawala ang kalungkutang dala ng pagkawalay mo. Naniniwala akong eto ang masnakakabuti para sa atin.
Alam kong hindi mo to mababasa, pero kung sakasakali lang, gusto kong malaman mong hindi na ako galit sayo. I guess this it. Ang huli kong pagpapaalam sayo. Kelangan kong ipagpatuloy ang buhay kahit wala ka na, para sa iba pang nagmamahal sa akin. Masaya ako at nakilala kita...
Goodbye Ci ^_________^