Saturday, October 6, 2012

SA LUGAR KUNG SAAN AKO NAG-IINTAY

        Isang lugar na oraganisado. May mga pumapasok meron ding lumalabas. Ang iba ay nagtatagal ang iba naman ay sumasaglit lang. Mmay nag-iisa meron ding magkakasama. May nakatayo, at marami ay nakaupo. May naglalakad, meron ding nanatili sa pwesto. May nakaluhod, may nakaupo. Ang iba ay nakapikit ang iba nama'y mulat. Merong nag-uusap ang iba ay tahimik lang. May masaya, may malungkot. May naghahanap-buhay, may nagbibigay buhay. May ibon at bulaklak. May nagsasalita may nakikinig. May humihingi, may nagpapasalamat. May nasa una, may nasa likod. May bata, may matanda. May lalake, may babae. May nakangiti, may lumuluha. May pag-ibi, at walang bahid ng galit kahit saan. May nag-uutos,  may sumusunod. May nag-iintay... Maraming nag-iintay... Halos lahat nag-iintay.

         Nandito ako sa isang lugar kung saan payapa. May tao man ngunit walang gulo, lahat sila ay tila may-iniisip. May nagsasalita, ngunit hindi maingay, lahat ay nakikinig. Kakaunti pa ang mga tao sa ngayon. Madami man ang silya inaasahan na mapupuno ito kapag nagsimula na. Sa ngayon, naghahanda pa lamang sila. Siguro dahil umuulan sa labas kaya wala masyado pang tao. O dahil pagabi na? Payapa talaga sa lugar na'to, lahat kasi sila may gingawa. Nag-iisip habang nakaupo at ang iba ay habang nakaluhod. Wala akong nakikita sa ngayon na magulo dito, lahat sila ay humihiling, nag-aasam, nagpapasalamat. Lahat ng nandito nag-iintay. Inaantay nila magsimula, lahat kame dito nag-iintay. Inaantay na mangyare, inaantay na katuparan, inaatay na tao, inaantay na dumating. Lahat ng nandito ay humihiling o nag-aasam, pero umaasa ako na kahit isang tao dito ay talagang nagpapasalamat lang.

           Ako lang dito ang nagsusulat. Ayun mukang magsisimula na, may nagsasalita na sa una. Nag-uutos at lahat naman ay sumusunod. Pinapaupo, pinapatayo, upo, tayo, upo, tayo, ngunit hindi ito paglalaro. Nagkekwento yung lalake habang pinapupo at pinapatayo kame. Naisip ko, hindi pala kame magkakalayo dito. Magkakaiba man kame ng iniisip, hinihiling at pinapasalamat. Lahat kame dito ay magkakaugnay sa iisa. Magkakaiba man, magkakaugnay pa rin.

           Bakit nga ba ako nandidito? Aaminin ko, hindi talaga ako nandidito para dumalo. Pero tulad ng lahat may inaantay ako. Inaantay ko ang pinakamamahal ko. Pagdating din naman ng araw iintayin ko rin sya sa ganitong lugar, marahil hindi dito, pero sa katulad nito. Sa araw na yun, lahat ng malalapit samen naroroon din. At hindi tulad ngayon na inaantay ko sya dito sa upuan sa likod, pagdating ng araw sa mismong unahan ko na sya aantayin. Unti-unting papalapit sa akin. Pero sa ngayon dito ko muna sya aantayin sa likod. May nakita ako dito, nakapaskil. "Love never gives up and its faith, hope, and patience never fails. 1 Cor. 13:7". Madilim na sa labas, at umuulan pa. Ingat ka mahal ko, nandito lang ako, laging handang mag-intay sayo. Mapapansin nyo hindi organisado ang sulat ko, kahit ano na lang maisip ko ay nilalagay ko dito. Tumutunog na ang kampana, hudyat na nagsisimula na talaga. Ang totoo hindi ko talaga alam kung simula na talaga, hindi naman ako madalas pumunta dito e, malimit lang talaga. Napansin ko din, kahit saan ako tumingin dito may magkasintahan/mag-asawa/dalawang nagmamahalan, nakakahili hahaha. Hindi na bale malapit na naman ang mahal ko, pero hindi kame magtatagal dito sa ngayon, aalis din kame agad, may pupuntahan pa kame. Eto talga simula na, nandito na ang pari, yan. Oo nasa simbahan ako, mala bugtong pala tong sinulat ko. Nandyan na rin sa labas ang mahal ko. Huling sulat sa ngayon. Salamat Panginoon, Amen.