Ngayong mga nakalipas na linggo naging medyo magulo ang lahat, madalas kame nag-kakaaway ng mahal ko, everythings seems to be not right, basta magulo. Pero syempre buhay yan, ganyan talaga. Sa mga problemang naranasan lagi may matutunan, pwedeng sa ibang tao, pero madalas sa sarili mo.
Dahil sa mga naranasan ko natuto ako ng maraming bagay, lalong lalo na sa pag-ibig (lagi naman hahaha), may mga natutunan din ako sa pakikisama sa mga tao, mga dapat gawin, at dapat isipin.
Isa sa mga natutunan ko ay ang pagpaparaya, kahit na nasasaktan ka kelangan may isang pagpapaubaya para maiwasan pa ang masmalalang gulo, para saken ito na ang concepto ko ng pag-abot ng kapayapaan (wow lalim nun). Natutunan ko rin na hindi na masyadong mag-isip, wala naman din nagagawa hahaha. Natutunan ko rin na hindi maging masyadong demanding, pinapahirapan ko lang sarili ko. Natutunan ko rin na kung hindi maiiwasan ang pagseselos, iwasan na lang na gawin pa itong problema. Natutunan ko rin na ipakitang masaya ako, nakakaapekto kasi sa ibang tao kapag malungkot ako, tyaka wala dn naman mangyayare kung magiging malungkot ako, maging masaya na lang para masaya lahat ^__________^. I also learned that understanding is a must (wow English) Also love is not only about patience, it is also about trust. (tiwala yan hindi condom, dumi ng utak hahaha) Natutunan ko din na maling dalhin ko ang problema ko sa ibang bagay, (example: problema sa pag-ibig e dadalhin sa school, maling mali) kasi may nadadamay na iba, hindi ko man sinasadya pero nadadamay pa rin. Natutunan ko rin na ang Mesh analysis ay pwedeng gamitin sa lahat ng circuits at ang business na photocopy ay talagang kumikitang kabuhayan (magkano kaya franchise nun??). Higit sa lahat, natutunan ko na may kanya kanya kameng mundo, hindi sa lahat ng oras e nandyan sya para saken. Hindi pwedeng ipagsiksikan mo ang sarili mo sa mundo nya, kasi hindi naman lahat ay maari. Maling mali na icenter ko ang mundo ko sa kanya, gustuhin ko man, hnd pwede, may mga bagay na dapat ipriority, mga bagay na hindi pa pwede sa ngayon, Natutunan ko rin na maskelangan ko pa ng masmalawak na pang-unawa, hindi pa pala sapat ung malawak lang, kelangan pala e malawak na malawak hahaha. Nalaman ko din na ang tugtog sa Air1 fm sa oras na 12:30 hanggang mga 4 e puro mga soft songs o love songs na bagay na bagay para sa mga taong nagdadrama tuwing pagkakatapos ng klase at tamang tambay muna, este nag-aaral pala, habang nag-iintay sa mgataong mahal nila at ang iba naman ay nagpapalipas lang talaga ng oras. Pagdating naman ng 4-6 minsan rock/band songs na, then 7-10pm e love/soft songs na ulit. Pero ngayong araw dahil na rin sumama ang pakiramdam ko at medyo nagkaroon ng oras para makapagpahinga at magmunimuni, natutunan ko na kelangan ko din pala ng oras para sa sarili ko, para masmaayos ko pa ang aking sarili.
Yan lang po sa ngayon at saka na ulit ako magboblog, mukang magiging busy na ulit ^_________^
Kaya yan PUSO LANG!!! (ang paboritong sabihin ng mga kaklase ko ngayon) pero tulad narin ng sabi ng isa kong kaklase, "ang puso ay medyo na nasa kaliwa, kasi heart was not always right, at ang utak naman ay nasa pinakataas."