Friday, October 14, 2011

NAGBABALIK!!! ANG 3P KO SA KLASE...

           Dahil sa dinadownload kong movie ngayon na less than 1 hour nalang kaya nagblog na ulit ako. Teka anung kinalaman ng download sa blog? Malaki ang kinalaman nito... kapag naglaro pa kasi ako ng online games sayang lang sa loading ang oras... masmabuti narin magblog ako kesa makipagtitigan sa FB.

          Wala akong maisip na iblog ngayon kaya ilalagay ko nalang ang mga nangyare saken this past month..(nawala na ung essence ng title na "3P" parang ginawa ko na kasi tong journal ko.. buti pa ung mga naunang post 3p tlga... pero teka "3P"parin naman to ah... Trip ko nga lang, blog ko naman to kaya wala kayong karapatang magreklamo!!!hahaha)

           This past month wala masyadong nangyare saken, kundi mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. Aral, tulog, aral, fb, aral, kain, fb, aral, gising...ganyan lang ang routine ko araw-araw pagkagaling sa school...(33mins nalang tapos na ang download ko ^____^). Engineering ba naman ang kuhanin mong course ewan ko lang kung hindi mag-aral. Bukod naman sa pag-aaral. fb, tumulog at kumain may ginagawa din akong ibang bagay. Isa na rito ang pagbabayad ng pamasahe sa tricycle at jeep, mahirap na makulong pa ako dahil sa hindi pagbabayad ng pamasahe (may nakukulong ba dahil dun?? tyaka under-age pa ako kaya hindi pa ako makukulong.... so0 sa susunod hindi nalang ako magbabayad tipid pa hehehe joke!!!). Pinagkaka-abalahan ko rin ang pagmamasid sa mga kaklase [wala kasing choice kung naka-upo ka sa isang 12x6 dipang class room (hell room pla... sobarng banas kasi dun... wlang silbi ung aircon props lang yta un, pero atleast yung aircon gumagana hindi tulad ng ceiling fan na pang decorate lang talaga) ] Sa pagmamasid ko sa mga kaklase ko madami akong natutunan nakikila mo na sila, natututo ka pa, higit sa lahat maypinag-kaka-abalahan ka pa. Minsan naman kapag bored na ko sa pagmamasid nakikihalubilo na ako sa kanila o mastamang sabihin pagtripan sila ^____^ hindi naman yung pagtitrip na pisikalan, konting mental lang. Ito yung mga trip na pamimilosopo, nakikisakay sa trip nila at higit sa lahat ang pang-iiyamot sa kanila. Example: habang kumakanta ang isa kong kaklase babanatan ko sya ng
"diba kanta yan?"
sya: "Oo, bakit?"
ako: "wala lang, yung sayo kasi tula" (sa ganitong sitwasyon humanda ka nang tumakbo!!!) pero kung medyo may utak naman yung pinagtitripan mo gets na nya agad dun palang sa pagtatanong mo ng "Diba kanta yan?". Kapag nagjoke naman sila at hindi nakakatawa banatan mo agad ng "Manalangin po tayo para sa namayapang JOKE!!" luma na kasi yung pagtatanung ng  "tatawa na?". D' best parin ang pamimilosopo (ito na yata ang talent ko ang mamilosospo), tulad ng kapag may nagtanong kung anong oras na ito ang mga pwede mong isagot sa kanila:
A. Minus balat para buto
B. Oras na para bumili ka ng sarili mong relo
C. Tulad kahapon
D. x where x is the time right now
E. ORAS MO NA!!!
(Special Case: kapag may nagsabi na ang kagandahan ay nasa kalooban o nasa personalidad, banatan mo ng " DAHILAN LANG YAN NG MGA PANGET) pero ang ganitong banat ay pang mga feeling gwapo o maganda lang kaya hindi dapat msyadong gamitin.)
madami pang ibang pantitrip hindi ko lang tanda yung iba, tulad nga ng sinabi(sinulat) ko talent ko ang pamimilosopo kaya basta nalang papasok sa isip ko ang mga banat...
Pero tandaan!! masmagandang gawin ang pangtitrip sa mga kaklaseng kaclose mo na o kakilala mo na tlga mayabang kasing tingnan kapag ginawa mo sa hindi mo kakilala.

Minsan nangtitrip din ako sa mga instructor pero dun lang sa mga kaclose o ung mga nagbibirong instructor mahirap na baka ibagsak pa ako ng di oras. Hindi naman talaga pantitrip yun parang nakikipaglokohan ka lang sa instructor. Pero minsan pinipilosopo ko rin sila pabulong nga lang para hindi nila pakinig o dun sa mga nagbibirong instructor. Ang pakikipagbiruan sa mga instructor ay may magandang naiidulot din naman, masnakikilala ka para medyo mataas yung marka mo sa recitation o madali kang makaapproach sa kanila kapag may kailangan ka. Wag nyo lang sosbrahan ang pambibiro sa kanila syempre kelangan parin ang student- instructor relationship, igalang mo sila kasi masmataas ang awtoridad nila kesa sayo.

         Medyo gabi na (11:59pm) kaya puputulin ko na dito ang post na to.... siguro matagal na ulit bago ako makapagpost ulit.. MAGANDANG ARAW MGA BATA!!! (12:00am)